CHAPTER 4: HE'S ALIVE AGAIN

1102 Words
Tic! Toc! Tic! Toc! Ano iyon? Tunog ng orasan? Saan nanggagaling ang tunog na iyon? Nasaan ang orasan? Bakit ganito? Naririndi ang tainga niya, bukod pa roon ay hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay mayroong nakadagan sa dibdib niya habang nakalutang siya nang pahiga. Sinubukan niyang imulat ang mga mata, subalit hindi niya iyon magawa. Tila ba may pumipigil sa kanya. Nasaan ba ako? tanong ni Michael sa sarili niya. Wala siyang maalala. Hindi niya alam kung nasaan siya. Siguro ay binabangungot lang siya, katulad lang nangyayari parati sa kanya. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay magising, at babalik na sa dati ang lahat. “Michael...” saad ng baritono at malalim na boses. Pamilyar sa kanya ang tinig, ang problema ay hindi niya alam kung saan niya narinig. “S-sino k-ka?” Nanginig ang boses niya. Hindi niya alam kung takot ba ang dahilan ng panginginig niyon o ang biglaang pagbaba ng temperatura sa kinaroroonan niya. Ibinuka ni Michael ang bunganga niya, at kakatwang kahit nakapikit siya, at sa kabila ng hindi matawarang kadiliman ay nakita niya ang usok na lumalabas sa bibig niya. “I will tell my name to you, but you have to fully surrender your soul to me...” “Stop deceiving me! I know who you are! And I know exactly what you are!” he shouted out of fear. “You want soul? Then, you can’t have i—” Ang tapang niya ay nawala nang may sabihin ito sa kanya. Ang mga salitang iyon ay sapat na para manumbalik sa kanya ang alaala niya. Ang talim at ang lamig ng punyal na bumaon sa dibdib at lalamunan niya ay naramdaman niya ulit, ngayon, sa mismong kinaroroonan niya. Napahawak si Michael sa lalamunan niya upang bumuga ng hangin, pero hindi nangyari iyon sapagkat ngayon niya lang napagtanto— Hindi siya humihinga! Hindi na tumitibok ang puso niya! Ibig bang sabihin nito, patay na ako? “Have you remember everything now, Michael? Now, I want to give you a chance. A chance to be alive again. A chance to take your revenge and figure out who did this to you. All you have to do is surrender your soul to me.” Dahil sa mga sinabi ng boses na iyon ay naalala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At iyon ay walang iba kundi ang demonyo na namamahay sa black Daffodil na bigay sa kanya ng abuela niya. He remembers how they exchanged deal when he’s on the verge of death. He remembers how cold the entity was when he reached his hand. Pero sa kabila ng lamig na hatid ng lalaki, alam niyang nagbabaga ang kamay nito. He can’t explain. It’s hard to explain. Kung ikukumpara niya ang nilalang sa isang bagay, masasabi niyang isa itong sinulid na binuhol-buhol at mahirap ayusin. “You’re running out of time, Michael. You have to choose now.” Gusto niyang mabuhay ulit. Gusto niyang malaman kung sino ang pumatay sa kanya. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ng pumatay sa kanya. “Take my hand, and pledge that after your revenge, your soul is mine.” “And what do you want me to do?” matapang niyang saad. Ang takot na nanulay sa puso niyang hindi tumitibok ay napalitan ng nag-aapoy na galit. Maging siya ay nagtataka sa galit na nararamdaman. “Offer me a soul, soul of every person behind your death.” “But how would I do that? And how would I know if the person is the one who betrayed me?” “Accept the deal that I am offering you. And you’ll know your every questions.” Mag-iisip pa sana si Michael nang isasagot nang may maliliit at kulay asul na mga nilalang ang pumalibot sa kanya. Halos isang talampakan lang ang laki ng mga ito, ngunit ang histura ng balat ng mga ito na tila longganisang nagkabiyak-biyak, idagdag pa ang ulo ng mga itong puno sa sungay ay sapat na para matakot siya. “S-sino k-kayo?!” Natilihan siya. “They are soul collector, Michael, and they are here to take you.” “No! P-please, w-who ever y-you are. S-save me...” pagmamakaawa niya. At matapos niyang sabihin iyon ay may kamay na yumakap sa kanya. At sa ibabaw niya ay nakita niya ang nilalang na nagmamay-ari ng boses na kumakausap sa kanya. The word handsome is not enough to describe the man in front of him. Because the man in front of him is beautiful! Ang mga mata nitong nag-aapoy na kulay asul ay malamig, walang buhay, walang awa, walang puso. Bumilis ang t***k ng puso niya lalo na nang bumukas ang dalawang pakpak nito sa likuran na kulay itim at pula. Michael open his mouth to say something. Pero ang sasabihin niya ay naiwan sa lalamunan niya nang umangat siya kasabay ng pagpagaspas ng mga pakpak ng lalaki. Beep! Beep! Beep!!! Kasabay ng ingay na iyon ay ang pagmulat ng mga mata ni Michael. Napabuga siya ng hangin matapos na tila may trosong inihampas sa dibdib niya. Nalukot ang ilong niya nang manuot ang nakasusulasok na mabahong amoy sa paligid. But he’s happy. Because he’s breathing again. He’s alive again. “I am back...” saad niya sa sarili at tumayo sa tambak na basura na kinaroroonan niya. “I am alive...” Hindi niya alam kung paano nangyari na napunta siya sa lugar na ito. Hindi rin siya sigurado kung ilang araw na buhat nang patayin siya. Pero isa lang ang sigurado sa oras na ito, buo na sa loob niya na maghihiganti siya. Hahanapin niya ang nasa likod ng pagpatay sa kanya bago pa maubos ang oras na ibinigay sa kanya ng nilalang na natutulog lang sa itim na bulaklak ng daffodil. Napatingin siya sa kamay niya na hawak ang itim na bulaklak. He will release him soon. He will release the demon here on Earth. Ang kailangan niya lang gawin ay hanapin ang una niyang biktima. Kailangan niya ng dugo ng kaaway niya na ipandidilig sa itim na bulaklak para magising nang tuluyan ang nilalang na tumulong sa kanya. Mula sa kinaroroonan niya ay tinanaw niya ang kalangitan na laksa-laksa ang bituin. Napangisi si Michael nang maalala ang Diyos na hindi tumulong sa kanya. He will forget Him. Hindi rin naman sigurado kung totoo ang Diyos na sinasamba niya noong bago pa siya pinatay. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang itim na sumbrero. Nilapitan niya ito at pinulot. Isinuot niya iyon bago umalis sa tambak ng basura kung saan siya nagising. Now what, Michael? Ano ang susunod mong gagawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD