Matagal na namayani sa pagitan nilang dalawa ng hindi nakikitang kausap ang katahimikan. Katahimikan na para bang sisira sa eardrum niya ano mang oras. Ang bawat pagtakbo ng kamay ng orasan, at ang hindi pagsagot sa kanya ni D ay dumadagdag lang sa alalahanin niya. “D—?” Ang sasabihin niya sana rito ay hindi natuloy nang magsalita ito. “Do you really want to know? I can take you to the time where all these things started.” Natigilan si Michael dahil sa narinig. Oo nga at gusto niyang malaman kung kailan nagsimula ang lahat ng ito sa pamilya niya. Pero ang hindi niya inaasahan ay kaya siyang dalhin ni D sa panahon na iyon. Nakakapangilabot, but at the same time ay nakakamangha. At hindi siya handa na balikan ang panahon na iyon. Ayaw niya. Naduduwag siya. Natatakot siyang baka hind

