Inilabas ni Jia ang mga kamay sa sasakyan para damhin ang hangin. Marami nang nakatanim na puno na kasi ang lugar na binabagtas ng sasakyan ni Allen. Sumama siya, pero parang hindi. Magulo, oo. Dahil kahit siya ay hindi maipaliwanag kung bakit sumama siya sa lalaki. Para siyang manika na de-susi kaya naman kung ano ang gusto ng lalaki ay agad siyang pumapayag. “Saan ba tayo pupunta?” malumanay niyang tanong dito. Ang nakakapagtaka pa ay hindi niya masinghalan ang lalaki kahit gustong-gusto niya na. “Somewhere. Malalaman mo rin once we get there.” “Okay,” tanging nasagot niya. Pumikit si Jia pero hindi naman siya inaantok. Gising na gising ang diwa niya dahil ayaw niya naman na mahulog sa kalokohan ni Allen kung mayroon man itong pinaplanong masama sa kaniya. “Jia?” untag sa kaniya

