6:00 P.M, an hour before the abduction of Brent... Sa bahay ni Mang Jun. Kadarating lang ng matanda, at nagmamadali pa siyang umuwi dahil hindi niya na nakita pa si Michael sa sariling kompanya nito matapos ang insidente ng pagsabog. Pagkarating ng matanda sa bahay ay nagulat pa siya nang madatnan na may pagkain na na nakahanda. Ang totoo niyan ay nahihiya siya sa amo niya. Hindi man lang kasi niya ito mabigyan ng maayos na pagkain at tulugan. Pero laking pasalamat niya at siya ang nakuhang hingan ng tulong ng binata. Naaawa kasi talaga siya sa sinapit nito. Kilala niya si Michael, mabait ito. Mapagkbaba ito kahit sa katulad niyang maliit lang na empleyado, kaya nga hindi niya lubos maisip na pagtatangkaan ang buhay nito, na siyang nangyari nga. Mabuti na nga lang at nabigyan ito ng p

