CHAPTER 10: A GLIMPSE OF HIM

1522 Words
Nasa malayo pa lang si Mang Jun ay alam na ni Michael ang dahilan kung bakit maaliwalas ang mukha nito habang naglalakad pauwi sa bahay nito. Nasa labas lang siya at hinihintay ito. Balak niya sanang umalis kanina para magpunta sa bahay niya, pero nasabihan na siya ni D, ang nilalang sa itim na daffodil, na huwag na munang umalis dahil papauwi ang may-edad nang guard. Kaya heto siya, hinihintay ang pagdating ng matanda. “Don’t trust anyone again, Michael...” saad sa kanya ng boses. Napatingin siya sa guard na papalapit sa kanya. “You don’t really believe in someone’s kindness, ha?” Kahit paano ay nasasanay na siya sa presensiya ng nilalang sa bulaklak. Nasanay na siya na bigla itong magsasalita, hindi lang sa isipan niya naririnig, kundi talagang naririnig niya ang boses nito na para bang kaharap niya lang ito. “I am a demon, what do you expect? Have you ever forgotten what happened to you?” Umiling si Michael bilang sagot. Napayuko siya na para bang nakikita niya ang peklat sa dibdib niya. Kinapa niya rin ang leeg niya, ang peklat niya sa leeg ang patunay na pinatay siya ng mga taong hindi niya alam ang dahilan. “It still hunts you...” Base sa timbre ng boses ni D ay hindi iyon tanong, kundi isang kumpirmasyon. Tumango siya. There’s no need for him to lie about how he feels when it goes to D. Alam nito ang nasa saloobin niya na para bang isa siyang bukas na pahina sa isang libro. “Yes, it does. Walang dahilan para maging tahimik ako kung segu-segundo kong naaalala ang nangyari sa akin. Sa bawat saksak na natamo ko noong gabing iyon ay siyang ipapatikim ko rin sa mismong pumatay sa akin. In that way, baka tuluyan na akong matahimik.” “There’s no peaceful place in hell, Michael.” What he said was base on what he read. Ano nga ba ang alam niya tungkol sa impyerno, eh, hindi pa naman siya napupunta roon. Umalingawngaw ang tawa niya sa tahimik na lugar dahil sa naisip niya. He’s now losing his sanity. At bago pa man may masabi ang nilalang na kasa-kasama niya ay naglakad na siya upang salubungin ang matandang may dalang plastic. Kinuha niya iyon, at sa amoy pa lang ay alam niya nang karneng baka ang laman ng plastic. Maybe the old guard got it wrong. Akala siguro nito, kaya hindi siya kumain kanina ng agahan, ay dahil hindi siya kumakain ng de-lata. “Naku, magluluto lang ako para makakain ka. Aalis kasi tayo—” Natigilan ang paglalakad nito papasok sa bahay nang hawakan niya ang braso nito. Napatingin pa ito sa kanya nang nagtataka. “Hindi ho ako kumakain.” “Ah, busog ka pa ba? Kung ganoon, kailangan ko pa ring lutuin ang karne na ito dahil masisira lang. Wala pa naman akong pridyeder.” Umiling si Michael. “Mang Jun, alam na ninyo ang nangyari na pagpatay sa akin, hindi ba?” Tumango ito. At sa talas ng mata niya ay nakita niya ang pagtindigan ng balahibo sa balat nito. Nangingilabot pa rin ito sa kanya. “Mula nang magising ako mula sa nangyari sa akin, hindi na ho ako nagugutom. Wala na rin akong nalalasahan.” Ngumiti siya. Ayaw niyang matakot ss kanya ang matanda kahit pa mukhang malabong mangyari iyon. Nakita niya ang pagkurba ng alanganin na ngiti sa mga labi ng matanda bago napakamot sa ulo. “G-ganoon ba? Ah, siya k-kung ganoon. Pero kailangan mo pa ring subukan na kumain, ha? Kailangan mong masanay ulit na kumain dahil kahit papaano ay buhay ka.” Hinawakan siya ng matanda sa braso. “Aalis tayo ngayon, mamimili tayo ng gamit mo, ha? Mag-enjoy ka, para makalimutan mo naman kahit papaano ang problema mo. Huwag kang mag-alala sa pera dahil binigyan ako ni Sir Brent. Halika at pumasok tayo sa loob.” Nauna itong pumasok sa bahay nito kay sumunod siya rito. Inilapag niya ang plastic na dala niya sa lamesa. Si Mang Jun naman ay pumasok sa kwarto nito na ang harang lang ay kurtinang gawa pa sa sako ng harina. “Siya nga pala, hijo. Puwede ka nang pumasok bukas. Magdala ka na lang ng résumé sabi ni Sir Brent.” Napalingon siya sa gawi nito. “Alam mo bang hindi ako nahirapan na pakiusapan si Sir Brent. Ang totoo niyan ay siya na ang kusang lumapit sa akin para sabihin na naghahanap sila ng bagong janitor. Ang akala niya nga ay ang anak ko ang ipapasok ko. Sabi kong ang pamangkin ko na, at ikaw iyon.” Lumabas ng kwarto si Mang Jun. Nakabihis na ito ng basketball short at sando na kulay puti. “Paano pala iyan, hijo? Hindi ka kaya mahihirapan na magtago sa kanila? Aba, kahit sino ay kilala ang mukha mo.” “Ako na ho ang bahala sa bagay na iyon.” “Sabagay, puwede mo iyong i-magic. Oh, siya, at pakukuluan ko na muna itong karne bago tayo umalis.” Tumango siya bilang sagot. Siya na mismo ang kumuha sa karne na nasa plastic at dinala iyon sa kusina. Siya na rin ang naghugas ng karne at naghiwa. “Ako na niyan, hijo. Mas mabuti pang maligo ka na para pagkatapos ko rito ay aalis na tayo. Saan mo ba gustong pumunta?” “Kahit saan po. Kayo na ho ang bahala.” “Naku, wala akong alam na magagandang lugar, hijo. Kapag kasi may pera ako, kapag sahuran, sa bangketa lang kaming mag-anak tapos kumakain kami ng tusok-tusok at palamig lang ang panulak namin.” Michael smiled out of the blue. May kung anong mainit at tila kamay na humaplos sa puso niya nang marinig ang bagay na iyon mula sa matanda. Nakikinita niya na kasi ang mga bagay na ginagawa ng mga ito bago pa mangyari ang gulo na nasangkutan lang ng matanda dahil sa kanya. May palagay kasi siya na may nakakita sa matanda noong mga oras na naririnig nito ang usapan ni Freddie sa kung sino man. “Mukhang masaya ang pamilya ninyo, Mang Jun, ah? Pasensya na at nasira nang dahil sa akin.” “Naku ikaw. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin. Isa pa, nagkamal ako ng malaking halaga noong humarap ako sa camera para lang magsinungaling. Iyong pananakit at pambubogbog sa akin, bayad iyon sa perang tinanggap ko. Hayaan mo na. Huwag mong isipin na kasalanan mo nangyari lalo pa at biktima ka lang din.” Mula sa hinuhugasan nitong karne ay lumingon ito sa kanya. “Ikaw ba, hijo, siguro ay masaya ang kabataan mo kasama ang pamilya mo, ano? Alam mo bang usap-usapan ka sa kompanya. Masyado silang curious sa buhay mo. Kaya nga dahil wala ka namang babaeng ipinapakilala sa kompanya ay lahat yata ng babae ay gusto ka.” “May nililigawan po ako bago nangyari sa akin ang bagay na iyon,” pag-amin niya rito. “Talaga ba? Naku, sayang naman.” Sayang nga ba? Bakit wala siyang makapang panghihinayang sa dibdib niya? Tanggap na siguro niya na pagkatapos siyang buhayin ni D ay mamamatay rin siya. Tapos ngayon, kailangan niyang paghirapan lahat para lang makapaghiganti siya. Sabagay, kahit noon ay naranasan niya na ang paghihirap sa buhay. Pero kahit papaano ay may nagbago ngayon, dahil na rin iyon kay Mang Jun na nag-alok ng tulong sa kanya. Sa matanda ay naramdaman niya kung paano ba ang magkaroon ng pamilya, pamilyang ipinagkait sa kanya ng nasa itaas. “Ayos lang ho iyon. Mukhang hindi naman talaga ako mahal ng babae na nililigawan ko dahil hindi ko man lang nakita ang isang iyon. Mabuti nga at nariyan si Jam para ayusin ang mga labi ko. Maswerte pa rin akong magkaroon ng kaibigan na katulad niya.” “Tama ka,” sang-ayon nito sa sinabi niya. “Mabait nga si Sir Jam, pero sa inyong magkakaibigan ay ikaw ang paborito ko.” “Talaga ho?” “Abay, oo. Ikaw ang parating bumabati sa amin kahit pa nga simpleng empleyado lang kami. Kaya noong mawala ka ay nalungkot kami. Hindi lang kami nakadalo ng lamay mo at libing dahil ang mga boss ang naroon.” Ngumiti siya sa matanda. Noon ay iniisip niya kung may pupunta ba sa lamay niya at dadalo sa libing niya. Ngayon ay alam niya na ang sagot. At kahit pala walang nagpunta, masaya n siyang malaman na kahit papaano ay may nagluluksa nang palihim sa pagkawala niya. Kapag naayos na ang dapat ayusin, bago ulit siya mawala nang tuluyan, sisiguraduhin niyang matutulungan niya ang mga ordinaryong empleyado ng kompanya niya dahil ito ang tunay na may malasakit sa kanya. Matapos niyang tulungan si Mang Jun sa paghihiwa ng karne ay naligo na siya. Pinahiram na lang siya ng ling sleeve at pantalon ni Mang Jun lalo pa at wala naman talaga siyang isusuot. Inaayos niya ang buhok niya nang may sumagi sa isip niya. “Nakakapagtaka...” saad niya sa sarili niya. Pero umiling siya. “Marahil ay coincidence lang ang nangyayari. Ano sa tingin mo, D?” Wala siyang nakuhang sagot sa kaibigan na hindi nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD