CHAPTER 15: WEIRD

1381 Words
Narinig ni Michael ang sunod-sunod na palatak ni Brent bago ito tumayo. Sa sobrang lakas kasi ng impact ng pagsabog mula sa labas ay halos tumapon pa ang dalawang kasama niya mula sa kinatatayuan ng mga ito kanina. Sinipat niya ang dalawang kasama at tiningnan kung maayos ba ang mga ito at walang sugat. Nang makitang walang nakabaon na bubog sa katawan ng mga ito ay saka niya lang nilapitan si Mang Jun at tinulungan itong tumayo. “Ayos lang kayo, Tay?” tanong niya rito bago sulyapan si Brent na pinapagpagan na lang ang sarili. “Oo, hijo. Ayos lang ako. Ano ba ang nangyari?” Kita niya ang kalituhan sa mukha ng matanda. Umiling siya bilang sagot kahit alam niya ang buong nangyari. Muli siyang napasulyap kay Brent na walang emosyon ang mukha. Nagtataka siya kung bakit biglang naging ganito ang reaksiyon ng kaibigan. Hindi ba dapat ay tumakbo na ito palabas para tingnan kung ano na ang nangyayari lalo pa at dinig sa kinaroroonan nila sa 3rd floor ang ingay ng mga tao? “Mauuna na akong lumabas sa inyo, Sir Brent. Titingnan ko dahil baka may mga nasaktan sa kasama ko. Lalo na iyong mga may-edad na ring katulad ko,” paalam ni Mang Jun bago ito naglakad para lumabas, pero hindi pa man ito tuluyang nakakalabas ay nagsalita na si Brent dahilan para matigilan ang matanda. “Walang ibang nasaktan, maliban kay Aera,” saad nito sa hindi pamilyar sa kanya na boses. Nagkatinginan sila ni Mang Jun kaya tinanguan niya ito, dahilan para tuluyan itong lumabas ng kwartong kinaroroonan nila. Humarap siya kay Brent at yumukod. “Lalabas na rin po ako, Sir Brent, baka kailanganin ako sa labas.” Akma na siyang lalabas nang hawakan siya sa kamay ng kaibigan. Katulad kanina ay nakakapaso ang hatid ng paghawak nito sa kanya—na hindi naman nangyari noong bago siya pinatay. Hindi niya naiwasan ang mapatingin sa mga mata nito. Ang mga mata nitong nagniningning ma kulay ginto. Napakunok siya bago bawiin ang kamay na hawak ng kung sino mang nasa harapan niya. Akala ni Michael ay ang kakatwang pakiramdam na kapag hinahawakan siya ni Brent ang pinaka-wirdong mararanasan niya ngayong umaga, pero hindi pala, dahil ang mga salitang namutawi sa labi nito ay sapat na para sabihin na katulad niya ito—may itinatago! “I know what you are doing, Michael. Stop that monstrous act before it’s too late... Oo at ligtas ka sa mga mata ng tao, pero hindi sa mata ng Diyos. Nagkamali sila. Hayaan mong Diyos ang maningil sa ginawa nila sa iyo. Hindi iyong ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para maghiganti.” Napangisi siya. Kung gayon ay alam talaga nito kung sino siya? “Nasasabi mo lang iyan, Brent, dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko. Hindi ikaw ang tila baboy na kinatay sa mismong bahay mo—” Natigilan siya dahil sa pagbabago ng kulay ng mga mata nito. Kulay itim. Ang totoong kulay ng mga mata ng kaibigan. At mas naguluhan pa siya nang tila ba nagising ito mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. “Are you okay? Nasaan si Mang Jun? Ayos lang ba siya? May sugat ka sa pisngi. Kailangan ma magamot iyan.” Naglakad ito papunta sa bintana at dumungaw papunta sa ibaba. “What is happening?” Sa hilatsa pa lang ng mukha ng kaibigan, ay alam niyang naguguluhan ito sa nangyayari. Ibang-iba sa reaksiyon nito ilang segundo pa lang ang nakalilipas. Maging siya ay naguguluhan na rin lalo pa at wala si D para ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari sa kaibigan. “Kaya mo ba?” tanong nito sa kaniya nang makabalik sa puwesto niya. Tumango naman siya. “Let’s go. Patingnan mo ang sugat mo sa mukha.” Nauna na itong naglakad palabas kaya naman sumunod na siya rito. Takang-taka ang isipan niya sa inaasta nito, lalo pa at sa kabila ng malumanay nitong pagkausap sa kanya kanina bilang siya ay mabalasik ang mga mata nito na tila sa isang agila na handang siluin ang nakitang biktima. Pagkarating nila sa baba ay tumambad agad sa kanila ang basag na mga bubog na nagkalat sa sahig. Maliban sa kalat ay nakita niya rin ang mga empleyado, lalo na ang mga babae na magkakakilala na na nagyayakapan. Dahil marahil sa takot. Naglakad si Michael papunta sa labas ngunit natigilan siya nang may marinig na pamilyar na boses. “What the hell is happening here?!” Halos umalingawngaw ang boses nito sa kabila ng ingay na nagmumula sa labas. Napatingin siya sa gawi ng bagong dating. The man change a lot. From the looks of his suit, masasabi niyang mas naging maayos ang buhay nito mula nang mawala siya. And he’s happy for him. Kinapa niya ang dibdib niya. Wala siyang nararamdaman na galit sa lalaki, hindi katulad ng naramdaman niya kay Freddie at Aera. And it’s such a relief. Sigurado na siya na inosente si Jam sa nangyari sa kaniya. Dahil yata nakatingin siya rito kaya naagaw niya ang atensiyon ng kaibigan. Napatingin ito sa gawi niya. Kumunot ang noo nito na parang takang-taka na makita siya. Lumapit ito sa kanya at tumigil sa harapan niya. “Who are you?” agad na tanong nito sa kaniya. “Mike, Sir. Mike Dejarlo.” “Bago ka lang ba rito? Ngayon lang kita nakita.” A classic attitude of his friend. Hindi ito mapangmata. Pero parati itong nagdududa lalo na sa mga hindi nito kakilala. “Opo. Ako ang bagong janitor na ni-recruit ni Sir Brent. Ngayong araw ang simula ko.” Tumango ang kaibigan sa sagot niya, at napatingin sa labas kung saan mula sa kinaroroonan nila ay tanaw pa nila ang nasusunog na kotse na hindi na mawari kung ano ang original na kulay. Wala pang dumating na mga bumbero at pulis kaya ang mga tao at hindi pa rin alam kung ano ang gagawin. “Malas ang araw mo, bata, ah? Mukhang marami kang gagawin ngayon.” Tumingin ito nang matiim sa kaniya. “Hindi maganda ang unang araw mo kaya duda ako kung makakapagtrabaho ka nang tuluyan sa kompanya na ito. It seems like you’re bringing a bad luck with you. I will deal with you later,” dire-diretsong saad nito sa kaniya kaya nagtaka siya dahil hindi ito ang Jam na kilala niya. “And I hate your face, too. You are too ugly to work here.” Oo nga at skeptical ang kaibigan niya sa ibang tao, pero hindi ito ang ugali ni Jam. Hindi ito mapangmata. Hindi ito timitingin sa panlabas na kaanyuan. Kaya hindi niya lubos maisip na maririnig niya ang mga katagang iyon sa mismong bibig ng kaibigan niya. Matapos sabihin ang mga bagay na iyon sa mismong mukha niya ay saka ito lumabas para harapin ang mga pulis na kararating pa lang. Tumingin siya sa paligid. Ang totoo ay nabahala siya sa sinabi ni Jam. Kapag sinabi pa naman nito ang isang bagay, ginagawa nito. Kaya dapat kumilos siya kung gusto niya talagang magtrabaho sa kompanya na ito. Dahil busy ang mga tao sa paligid niya, at tila walang nakakapansin sa kaniya ay agad siyang nakapuslit. Tumakbo siya sa gawi ng elevator. “D, I want you to do something for me,” saad niya. “I want you to turn off all the CCTV’s. Hindi ako puwedeng mahagip sa camera.” “Is that a wish?” “Oh come on. Don’t be like that.” Narinig niya ang pagtawa ng nilalang sa paligid. “Don’t worry. I will handle it.” Dahil sa sinabi ng tumutulong sa kaniya ay agad siyang nakasakay sa elevator nang walang pag-aalinlangan. Isa lang ang patutunguhan niya. At iyon ang mga papeles na hawak niya. Mga papeles na magbibigay ng karapatan kay Brent para magkaroon ito ng posisyon sa kompanya. Kailangan niyang kumilos bago pa siya mawalan ng pag-asa na makapatrabaho rito. This place is his first step for his plan. Pero kung sakaling hindi siya magtagumpay sa plano niya, ang nilalang sa itim na daffodil ang kakapitan niya. Gagamitin niya ang prebelihiyo na ibinigay nito sa kanya, kahit pa may kapalit ang privilege na iyon. Wala nang mawawala sa iyo, Michael. Kinuha na nila ang lahat sa iyo. And D? He already claimed your soul. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD