“Siguro ay napakahirap sa inyo ng nangyari kay Michael. No one expected that it would happen. M-maging ako ay nagulat sa nabalitaan ko kinabukasan. If I were just there, naiisip ko, mangyayari kaya iyon sa kapatid ko?” “Ano sa palagay mo?” tanong sa kaniya ni Brent sa seryosong tono. Michael was fully aware that it’s not his friend. Kung sino man ang gumagamit sa katawan nito, ay siya ring nilalang na tiyak na iniiwasan ni D. Pero ang tanong, sino ang nilalang na iyon? At ano iyon? Bakit kailangan maging ang demonyo ay matakot dito? Sinilip niya sa salamin ang magkapatid. Nakatingin sa kaniya ang dalawa, pero sa magkaibang ekspresyon. Si Brent ay walang emosyon na nakikipagtitigan sa kaniya sa salamin, samantalang si Jia ay halata ang pagkailang sa mga mata. But the show must go on

