Kahit nakasakay naman ng kotse ay halos habulin ni Jia ang paghinga. She’s fine. Okay na siya lalo pa at tanaw na niya ang bahay ni Rik Sandoval. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at inihinto ang sasakyan sa tapat ng mansiyon ni Rik at maraming beses na bumusina bago bumaba. Kung kailan tuloy nasa tapat na siya ng bahay ni Rik ay saka pa siya nawalan ng lakas. Agad siyang natumba sa semento nang makatapak ang paa niya. It felt like someone took her strength from her kaya pagapang ang ginawa niya para lang makapasok sa loob ng mansiyon. Dinaig niya pa ang dikya na nawalan ng mga buto kaya hindi niya magawang makatayo. She did her part just to survive. Now, she has to wait for them to get her. We are not done yet, Jia. We’re not. I am coming for you… You will be the reason why Michael wil

