“Ano ang nangyari?” Napabalikwas ng bangon si Michael sabay sapo sa noo niya. Para iyong binibiyak sa sakit. Hindi lang din ulo niya ang masakit, kundi ang dibdib niya kung saan naroon ang puso niya. Kinapa niya iyon. Pakiramdam niya ay dinukot ang puso niya kaya kahit ang pagtibok niyon ay hindi niya maramdaman. Damn it! mura niya lalo pa at wala siyang maalala sa nangyari. Ang huling naaalala niya ay nasa tapat siya ng pinto ng opisina niya. Iyon lang, kaya hindi niya alam ang ginagawa niya sa loob ng hindi pamilyar na kwartong ito. “Ako dapat ang magtanong niyan, Michael, at hindi ikaw. Ano ang nangyari sa iyo? Bakit naabutan na lang kita sa opisina mong walang malay? What was happened?” pag-uusisa sa kaniya ni Brent. Nakaupo ito sa upuan na nasa gilid ng kama niya. Ang kaninang maa

