Si Michael na nakatingin kay Veronica ay walang emosyon ang mukha. Alam niyang hindi magagawang buksan ni Veronica ang safe kung nasaan siya dahil nasa loob siya, pero kahit ganoon pa man, ay umaasa siya na sana ay mabuksan ng babae ang kinaroroonan niya. He is just waiting for a chance to kill her. Napatingin si Michael sa kamay niya. Nanginginig iyon. Malikot. Malikot na para bang may gustong kumawalang parasite sa loob. Gustong-gusto manakit ng kamay niya. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Nakapatay na siya ngayong araw, dapat tama na muna iyon. Si Veronica. Makikita ang kumpyansa sa mukha na mabubuksan niya ang sekretong silid sa kung saan man iyon nakatago. Alam niya na ang mga hinahanap niya ay nasa silid na iyon lang. Ang nga bagay patungo sa kayamanan nila at tagum

