Nang sumapit ang gabi ay nasa harap sila ng apoy kung saan nakasalang ang litsong baka na hinatid pa kanina galing sa bayan ng kabilang isla. Ginawa nila iyong pulutan sa cold beer na hinanda pa ni Michael. Gusto niyang maging masaya ang mga mga bisita niya sa bakasyon ng mga ito. Makita niya lang na masaya at kuntento si Jia ay okay na siya. Ito naman kasi talaga ang dahilan kung bakit napagpasyahan niyang mamalagi sa isla ng isang linggo. Mabuti nga at may suspension ang mga ito kaya nagkaroon din ng panahon para magsaya. He will just give them an amount of money na sasahurin ng mga ito sa isang taon na pagtatrabaho. Ngayong tumaas ulit ang statistics ng kompanya niya ay marapat lang na mamahagi siya ng swerte niya. “Woi, ang tahimik mo naman yata?” tanong sa kaniya ni Jia na hindi

