CHAPTER 12: AUTOPSY REPORT

1309 Words
Nakatitig si Michael sa salamin. Alas-kuwatro pa lang nang madaling-araw, pero heto na siya sa harapan ng salamin. Tinitingnan ang repleksyon niya sa salamin na para bang isa itong alien na galing pa sa ibang planeta. Michael extended his hand towards the mirror. Sa mismong salamin niya kinapa ang mukha niya, mukha niyang hindi niya makilala. He didn’t undergo any face surgery, pero parang ganoon na nga ang nangyari. Para siyang nagpa-surgery para pumangit. Hindi niya nakikita sa mga oras na iyon ang mukhang hindi niya alam kung saan pa nagmana. Kinapa ni Michael ang mukha niya. Kung maihahalintulad niya ang kabilang pisngi niya sa kung ano pa man, mas maiging sabihin na para iyong balat ng kalabaw. Tama, nagmistulang balat ng kalabaw ang kalahati ng mukha niya. Bukod pa roon ay umitim siya. Humaba ang buhok niya hanggang batok. Ang mga mata niyang dating maganda ang pagkakahulma ay naging kirat ang isa, habang ang isa naman ay tila lumuwa na. What he is seeing now is like a monster came from a deep of hell. Ang kilay niyang dating makapal ay halos mawala na na para bang nasunog. “You did a great job, D...” Napangiti pa ang binata. Ito talaga ang kailangan niya ngayon, ang ibang mukha na hindi lalapitan at titingnan man lang ng kung sino. “Are you complementing me, human?” Iniwasan niyang matawa dahil sa tono ng pananalita nito. Umiling na lang siya bilang tugon. “I am not. I was just fascinated by the fact that I was looking straight to my face, pero hindi ang mukha ko ang nakikita ko. Mabuti na lang at nandito ka dahil hindi ko alam ang gagawin ko para lang hindi nila ako makilala.” Tumayo si Michael at naglakad papunta sa kusina. Pero natigilan siya at napamaang na para bang nasa harapan niya lang ang kausap niya. “Ano iyon, D?” paglilinaw niya sa kaibigan na hindi makita. “The magic I cast to you is only valid until twelve o’ clock.” Natawa siya sa narinig. “Just like Cinderella, ha? Okay, don’t worry. I will not stay at the company that long. Total ay umaga ang trabaho ko.” He’s exciting. Dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng pagkakataon na pasukin ulit ang kompanya na pag-aari niya. Kapag nasa loob na siya, ay unti-unti niyang gagawin ang hakbang para lang mahanap niya ang may kagagawan ng pagpatay sa kanya. ———— Samantala... Alas-kuwatro, sa bahay ng magkapatid na Jia at Brent. “What did you say?” Nagkakape si Brent nang dumating ang kapatid niya galing sa duty nito bilang pulis. Ang totoo ay salungat siya noon sa kinuha nitong course, pero dahil matigas ang ulo nito ay wala rin siyang nagawa kahit siya pa ang nagpaparal sa kapatid na babae. Nagtanggal ng holster si Jia at itinapon lang iyon sa maliit na lamesa sa harapan ng sofa. Tinangal niya rin ang sumbrero na suot niya at ang jacket na maong na bigay sa kanya ni Michael noong nakaraang birthday niya. Kinuha ni Jia ang pakete ng sigarilyo na nasa bulsa niya at kumuha roon ng isa at sinindihan. Jia blew the smoke upwards bago napatingin sa kapatid niyang papalapit sa inuupuan niya at may dalang tasa na may nakasulat pang Merry Christmas. “Pinatay si Michael...” mabigat ang boses na pagkakasabi. Kinuha niya ang bag na nasa tabi niya at inilabas ang post mortem report na nakuha niya sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa morgue na pinagdalhan kay Michael. Agad na kinuha ni Brent ang autopsy report na inihagis ng kapatid at tiningnan niya iyon. Doon dumapo ang mga mata niya sa report kung saan nakasaad sa papel ang sanhi ng kamatayan ng kaibigan. Naikuyom niya ang mga kamay nang mabasa iyon. Multiple stabbed wounds. At ang fatal sa naging pagsaksak ay sa lalamunan nito. Napapikit ang lalaki at kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay baka natumba na siya dahil sa panghihina na nadarama. Napahawak siya sa lalamunan dahil pakiramdam niya ay gumuhit ang malamig na bagay sa lalamunan niya. Napaupo si Brent. Napasabunot sa buhok. Ngayon ay punong-puno ng pagsisisi ang dibdib niya dahil hindi siya nakadalo noong gabi ng party kung kailan pinatay ito. “We will catch the culprits.” Napatingin si Brent sa kapatid. His sister used culprit with an S. Ibig sabihin ay hindi lang iisa ang nasa isipan nito. Ang tanong ay kung sino ang tinutukoy ng kapatid niya. “May ideya ka ba kung sino sila?” Humithit-buga ang kapatid niya sa sigarilyo na hawak nito. Ibig sabihin ay tense ito, o mas tamang sabihin na galit ito. His sister was not a heavy smoker. Naninigarilyo lang ito kapag may mabigat na nararamdaman. Pero simula nang mawala si Michael ay walang oras itong hindi niya nakitang hawak ang bisyo na kahit anong saway niya ay hindi ito nakikinig sa kanya. Matapos ng limang beses na paghithit at buga ay inabot ng kapatid niya ang kape na tinimpla niya. Humigop ito bago inilapag ulit sa lamesa ang tasa. “Si Freddie?” patanong na sagot nito sa kanya. Ngumisi pa ito na para bang may nakakita itong kakatwa na bagay sa harapan nito. Napakunot naman ang noo niya sa sagot nito. “Si Freddie Rodriguez? How come?” “How come? Money was the only answer.” Tumawa ang kapatid niya na para bang nawalan na ng bait. “Lahat ng taong sakim ay gagawin ang lahat para lang mapasakanya ang gusto niya. At isa na roon si Freddie. But I believe na isa lang siyang kasanggkapan sa nangyari kay Michael. Those good-for-nothing bastard! Kung puwede ko lang silang hulihin, ginawa ko na.” “But you can’t do that, Jia. Hindi ka papanigan ng korte kapag sinabi mong napanaginipan mo ang eksaktong nangyari sa kaibigan natin.” Ngayon ngang hawak na nila ang autopsy report ni Michael ay napatunayan nga nila na pinatay ito. Umismid si Jia bago muling kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan gamit ang upos ng sigarilyo na kauubos lang nito. Tahimik na naman itong naghithit-buga na para bang nasa sarili itong mundo na kahit siya ay hindi niya kayang pasukin. Matapos ng ilang segundong nakabibinging katahimikan ay sa pagitan nilang dalawa ay matiim siyang tiningnan ni Jia na para bang inaarok ang magiging reaksiyon niya sa susunod nitong sasabihin. “Wala na si Freddie,” saad nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Brent sa narinig. “Ano? Anong wala na si Freddie?” “He’s dead. Someone claimed his soul.” “What? Who?” Naguguluhan siya sa sinasabi ng kapatid. “And most important, why?” dugtong ng kapatid niya. “Why?” Kahit siya ay hindi na rin alam ang pinatutunguhan ng usapan nilang magkapatid. “The sinner souls are their trophy.” “Who?” Nagtayuan ang balahibo niya dahil sa sagot ng kapatid sa kanya. “Demons?” Nagtayuan ang balahibo niya dahil sa sagot ng kapatid sa kanya. “Patay na si Freddie. At sigurado ako sa bagay na iyan. Nakita ko sa panaginip ko. Pinatay siya. Pero ang mukha ng pumatay sa kanya ay hindi ko nabistihan. Hindi ko makita. It’s always like this.” Halata ang frustration sa mukha ng kapatid niya at naiintidihan niya naman ito. Sa panaginip kasi nito ay nakikita lang nito ang mukha at ang paraan ng pagpatay sa biktima na para bang isang pelikula sa isang telebisyon. Hindi nito nakikita ang salarin kaya nga mahirap magturo sa kung sino man. “We will find them,” saad niya sa kapatid. Tatayo na sana siya para magluto ng agahan nang magsalita ang kapatid niya. Ang mga kataga nito ay sapat na para matigilan siya. “Ikaw, Brent? Ano ang sekreto mong hindi mo puwedeng sabihin sa akin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD