THE ENTIRE day was filled with mixed emotions. But for Ellie, ayaw naman niyang palampasin na lang ang iniwang mensaheng iyon ni Ronnie. Dahil gusto niyang alamin kung ano ba ang pinakadahilan nito kung bakit ginusto nitong humingi ng space sa relasyon nila. At pakiramdam niya ay hindi lang iyon basta tampo o selos na maaaring mawala anytime-- at kung ano man 'yon-- iyon ang dapat niyang malaman. Kasalukuyan na siyang pasakay niyon pauwi at nakakapanibago dahil walang Ronnie ang sumalubong sa kaniya para siya'y sunduin. At ewan ba niya kung bakit sadyang nasanay na siya sa presensya nito. Mabilis naman siyang nakasakay pauwi habang tumatakbo pa rin sa isip niya ang paghingi ng space ni Ronnie. Ewan ba niya kung bakit tila iniisip niya na ang posibleng kahantungan nito, dahil pakiramdam n

