NAGLAYAG ang mga fans nang mag-live video si Ronnie kasama si Ellie na ipinapakita nito ang suporta sa kaniyang pag-aartista. Matapos kasi ang workshop ay kaniya-kaniya na rin silang paalam sa isa't isa nina Yohan, Eunice, Alvin, Miguel, Sonia, Ferdie at Alexa. Subalit sa kabila no'n ay hindi mawala sa isipan ni Ellie ang pagtataka, kaya naman nagawa niyang komprontahin ang binata. "Bakit mo ba 'to ginagawa, Ronnie? Kanina lang ay parang tutol ka pa sa ginagawa ko." Nakita niyang natigilan si Ronnie at segundo rin ang lumipas bago ito tuluyang nakapagsalita. "Ano pa nga bang magagawa ko? Choice mo 'yan, e at sino ba naman ako para pigilan ang pangarap mo, 'di ba?" She sighed sharply and a little bit frowned. "Ronnie, na-a-appreciate ko ang pag-aalalang ibinibigay mo para sa akin. Pero

