ILANG LINGGO ring pinag-isipan ni Jake ang kaniyang nararamdaman matapos niyang malaman na niloloko lang siya ni Josefina at ngayon ay buo na ang desisyon niyang makipaghiwalay dito. Subalit, mukhang mahihirapan siyang mapasama ang kanilang mga anak lalo pa't mas malapit ang mga ito sa kaniyang asawa. Nadatnan siya nitong nag-iimpake. At ang hindi niya inaasahan ay ang ibubungad nito, "Aalis ka? At kanino ka sasama? Sa Eden na 'yon, hah?" Napailing siya sa akusasyon nito. Kailan lang ay napagtalunan din nila ang tungkol sa bagay na iyon matapos nitong malaman na first love niya si Eden. Ayaw niya kasing maglihim sa asawa at inamin niya ang lahat dito bago pa man sila lumuwas ng Maynila. Pero 'ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na tuluyang ipagpalit ang kaniyang nabuong pamilya para la

