HINDI NGA nagkamali si Ellie dahil pagkauwing-pagkauwi lamang niya ng apartment ay bumungad na agad sa kaniya ang seryosong mukha ni Ronnie. Subalit nang ibaling niya ang tingin sa may kama ay may inihanda na pala itong dinner para sa kanilang dalawa. Hindi pa man siya nakakalapit dito ay sinunggaban na agad siya nito ng mapang-insultong katanungan. "So, nag-e-enjoy ka naman sa panunukso ng mga tao sa iyo tungkol kay Renz?" Napailing siya. Hindi naman kasi ito ang tamang oras para makipagtalo sa nobyo. Pagod siya at mas gugustuhin niya na lamang magpahinga. "Ronnie, p'wede ba, 'wag naman ngayon, o." Padabog niyang inilapag ang kaniyang shoulder bag sa ibabaw ng lamp shade table at saka tumabi sa kamang inuupuan ng nobyo. No choice naman kasi sila kundi ang maupo roon lalo na't wala pa s

