"EDEN! Ano? Nakapaghanda ka na ba?" Agad na napalabas ng bahay si Eden sa pagtawag na iyon ni Fedela. "Naghanda para saan?" "Ay, ulyanin lang? Hindi ba't ngayon kita sasamahan sa sinasabi ko sa'yong pamilyang gustong magpalabada?" sabi nito kaya bigla na lamang siyang napakamot sa ulo. "Oo nga pala, 'no? Sa rami ng gawain ay nawala sa isipan ko. O, siya, sige, magbibihis lang ako, Fedela. Ahm, p'wede ka namang pumasok muna habang naghihintay." "Naku hindi na. Ayos na ako rito." "Sigurado ka, hah? Sige, sandali lang." Makaraan lamang ang ilang segundo ay nagbihis na siya. Kaya naman natunugan siya ng anak na may kung anong hinahanap sa kwarto. "Hay, salamat naman at nahanap ko rin!" aniya sa paborito niyang damit na terno. Kaya naman dali-dali niya itong isinuot at pagkatapos a

