"Let me go, Dad!" "No!" Marahas na itinulak ako ni Dad nang makapasok dito sa sariling kwarto, bumagsak ako sa kama at halos masubsob sa puwersa ng pagkakatulak no'n Napalingon ako sa kanya at kita sa expression nito ang disgusto sa nalaman, I can't help herself but to feel bad, somehow. I didn't regret na mag-out sa kanila. Heck, I don't even regret loving Star from the very start. "Ano bang pumasok diyan sa isip mo, Shannelle? You do know that you are committing a sin! So, why?" Bakas ang pagtataka at galit sa boses niya. "I love her." ang natatanging sagot ko. Iyon lang naman ang maibibigay kong dahilan. I love Star whether it's a sin or not. Love is not all about what is right or wrong. Gasgas na ang katagang iyon pero totoo. "Pero mali! Alam mong mali." Matigas na sabi ng ama ko

