Star's "Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt Sign..." Rinig sa buong lugar ang airline announcement na sa totoo lang ay, wala akong pakialam. Shann's parents—or rather, her mother, sinenyesan niya ako na ayusin ang sarili at pati na rin ang kinauupuan ko. I just nodded and looked down after. I tried to take a peek on my lover's father pero kaagad akong napaiwas ng tingin nang mahuli ko itong nakatitig sa akin. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib at hinaplos ito para pakalmahin ang sarili. Ang bilis ng t***k ng puso. Natatakot ako... Ipinikit ko na lang ang mata ko at in-imagine si Shann. Naisip ko kung paano niya ako tingnan, kung paano nabubuo ang araw ko sa isang ngiti niya lang, na-imagine ko ang sarili kasama siya. Kinagat ko ang ibabang labi par

