"Gusto kong mag-aral ulit." Napalingon ako sa kanya at napangiti. Hinawakan ko siya sa kamay nang mahigpit. We're inside my room. Nagulat na lang ako nang may narinig akong katok sa pinto kanina at siya pala ang kumakatok. Nauna pa siyang magising sa akin. "Kapag okay na ang lahat, pangako, ako pa mismo magpapaaral sa'yo." Naikuwento niya sa akin na elementary lang talaga ang tinapos niya dahil na rin sa naging kalagayan. Nakakakunot na lang talaga ng noo kapag naiisip kong hindi man lang niya na-experience kung gaano kasarap mag-aral, kahit masakit sa ulo ang mga subjects. Iba kasi talaga kapag nasa school. Kung maaga lang siguro siyang naipa-consult ng ina niya, siguro noon pa lang, ayos na siya. But still, I'm thankful that it's not yet too late for her and here we are right now, Sta

