"Can we talk?" Mula sa pag-aayos ng ginamit kong notebook ay napunta ang pansin ko sa kanya. This is the first time na sinubukan niya akong kausapin dito sa loob mismo ng classroom. Usually, hinihintay niya akong makalabas or pinupuntahan niya ako kapag break time. We're classmates after all. "We're already talking, Keith." malamig na tugon ko. "Shann!" Kris called. Lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko. Ngumiti siya. "Halika na?" "Sure." Isinukbit ko na ang bag ko. Paalis na kami nang hinawakan niya ang braso ko. Napatingin yung iba naming mga kaklase pero mas pinili nilang umalis agad at huwag nang makialam. Bored ko siyang tiningnan. "Aalis na kami. Bitawan mo ako." "Let's talk, please?" pakiusap niya. Keith, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Nilingon ko muna si Kris at inalis

