HALOS nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Hellmohr ang mga sandaling ‘yun habang nagmamaneho na siya papunta sa kaniyang bahay. Kahit na hindi niya batuhan nang tingin ang suot niyang relos ay alam niyang pasado ala-una na nang madaling araw. Kahit na nakikita niya ang pa simple at palihim na pagbato nang tingin sa kaniya ng kaniyang kaibigan na si Alleo na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa may shotgun seat ng kotse niya ay hindi pa rin niya ‘yun pinapansin. Diretso pa rin siyang nakatingin sa dinadaanan ng kaniyang kotse. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ngayon ng binata, kasing lamig lang ‘yun ng yelo na tila ba ay wala rin ‘yung kabuhay-buhay. Kapansin-pansin din ang paglitaw ng kaniyang mga litid sa kamay dahil na rin sa higpit nang pagkakakapit niya

