TAHIMIK lang na nakaupo ngayon si Hellmohr, Belle at ang matanda niyang kaibigan na si Alleo sa terrace ng mansyon nito sa mismong rancho habang hinihintay nila ang pagdating ni Lucan. Nakalimutan kasi ni Lucan ang copy ng fake background na ginawa niya sa mismong sasakyan ni Hellmohr kaya kailangan pa nitong bumalik doon. Halos katatapos lang din nilang kumain ng lunch at ngayon na ang magandang pagkakataon para sabihin at ipaliwanag na kay Belle ang tungkol sa magiging fake background nito. Ngayon kasi ay medyo nagpapahinga pa sila at nag papababa ng mga kinain nila para mamaya ay babalik na sa pag e-ensayo si Belle. Dahil nasa terrace nga sila ng bahay ni Alleo kaya naman napakaganda ng simoy ng hangin doon. Hindi mainit dahil na rin sa mga puno na nasa paligid. Tanaw na tanaw din mul

