KIM POV.
Kring! Kring! Ang ingay talaga ng alarm clock na 'to! Grabe, Monday na naman. Kainis. Sana pwede na lang akong magkulong sa kwarto, mag-marathon ng K-dramas, at mangarap ng mga prinsipe na kasing-gwapo ni… Zacheus. Aish, bakit ko ba siya naiisip? Pero ang gwapo niya talaga, parang si Mingyu ng Seventeen! Hindi pa rin ako makapaniwala na model pala siya. At nakatira pa sa bahay namin! Parang imposible.
Pero okay lang, excited ako pumasok. Baka makita ko siya sa hallway. Baka ngitian niya ako, baka tanungin niya ako kung kamusta ang araw ko. Kinikilig ako!
Pagbaba ko, ang bango-bango ng kape at bacon. Si Mama, naka-business attire na, parang handang-handa na mag-conquer ng mundo. Pero si Zacheus, nasaan na kaya?
“Good morning, Ma,” sabi ko, sabay kuha ng toast.
“Good morning, anak,” sabi ni Mama, nakangiti.
“May good news ako!”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ano naman 'yon? Nabili mo na ba yung Himalayan Birkin na gusto mo?”Tumawa si Mama.
“Mas better pa doon. Remember Zacheus?”Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Oo naman. Paano ko makakalimutan 'yon?”
“Well,” sabi ni Mama, sabay higop ng kape niya,
“in-enroll ko siya sa school mo.”Nalaglag ang panga ko.
“In-enroll mo… siya?!”
“In-enroll ko siya sa school mo,” ulit ni Mama, parang walang nangyari.
“First year rin siya, katulad mo.”
Hindi ako makapagsalita. Si Zacheus, yung super gwapo kong bodyguard na model, magiging kaklase ko?! Parang eksena sa cheesy high school romance movie!
“Pero… bakit?” naitanong ko sa wakas.
“Well, anak,” paliwanag ni Mama,
“ang talented ni Zacheus, pero hindi siya nakatapos ng college. Naisip ko na magandang opportunity 'to para sa kanya. At saka,” dagdag niya sabay kindat,
“mas maganda na may kakilala ka doon. May magbabantay sa 'yo.”
Umikot ang mga mata ko.
“Ma! Hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko.”
“Alam ko, anak,” sabi ni Mama, sabay tapik sa kamay ko.
“Pero mas okay na rin na may kasama ka. Lalo na si Zacheus, napakaresponsable.”Bumuntong-hininga ako.
Wala akong laban kay Mama. Kapag nakapag-desisyon na siya, wala nang makakapagpabago noon.
Pero kinikilig ako at kinakabahan at the same time. Excited na makita si Zacheus araw-araw sa school, pero kinakabahan din… Paano kung hindi niya ako pansinin? Paano kung maraming babae ang nakapaligid sa kanya at ako lang ang isa sa mga 'yon?
Biglang tumunog ang alarm ko.
“Kailangan ko nang umalis,” sabi ko, sabay kuha ng bag ko.
“Mag-ingat ka, anak,” sabi ni Mama, sabay kiss sa pisngi ko.
“At maging mabait ka kay Zacheus. Medyo mahiyain 'yon.”
“Oo naman,” pangako ko, kahit hindi ako sigurado kung tutuparin ko 'yon. Parang feeling ko magiging exciting ang araw na 'to.
Nervous na nervous si Zacheus habang inaayos ang uniform niya. Ang awkward niya. Ang tagal na niyang hindi nakapasok sa classroom. Ang dami niyang pinagdaanan bilang bodyguard, nakapag-travel pa siya kasama ni mama, at nakapag-model pa! Ang weird naman na babalik siya sa school. Pero sabi ni mama, importante na makatapos siya ng pag-aaral. Wala naman siyang magagawa.
Pagpasok niya sa school, ramdam na ramdam niya ang mga mata ng mga estudyante.
Naririnig niya ang mga bulungan. Alam niyang kakaiba siya. Siya yung bagong estudyante, yung matangkad at gwapong lalaki na medyo kakaiba ang pangalan. Sana lang hindi siya mapahiya.
Zacheus's POV.
Pumunta ako sa principal’s office para kunin ang schedule ko at ang mapa ng school. Sana lang hindi ako maligaw.
Tiningnan ko ang schedule ko at nakita ko na may isang klase kami ni Kim – English Literature. Buti naman. Baka matulungan niya ako.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko, nakita ko si Kim na nakatayo sa tabi ng locker niya, nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Nahihiya ako lumapit. Baka maistorbo ko sila. Tsaka baka... baka ma-embarrass siya na kasama ako.
Pero naalala ko ang sinabi ni Ms. Jean – na medyo lonely si Kim at kailangan niya ng kaibigan. Siguro nga kailangan ko siyang lapitan.
Huminga ako ng malalim at lumakad papalapit. “Ms. Kim?” mahinang sabi ko.
Lumingon si Kim, gulat na gulat. “Zacheus! Anong ginagawa mo dito?”
“Si Ms. Jean… in-enroll ako,” paliwanag ko. Nakakahiya talaga. “Classmate mo ako.”
Tiningnan ako ng mga kaibigan ni Kim. Ipinakilala niya ako sa kanila. Mabait naman sila. Pero ang awkward pa rin. Mukhang masaya si Kim na makita ako. Sana lang totoo 'yon.
“Tara,” sabi ni Kim, sabay hawak sa braso ko. Napakabilis ng t***k ng puso ko. “Lilibutin kita.” aniya sabay kindat
inililibot ako ni Kim sa school. Ipinakilala niya ako sa iba pa niyang mga kaibigan. Ang daming tao. Ang ingay. Pero feeling ko medyo okay na ako. Nagsimula na akong hindi makaramdam na parang outsider. Salamat, Kim.
Nakarating na kami sa English Literature class namin. Pagpasok namin sa classroom, lahat ng mata ay nakatingin sa amin. Kinakabahan na naman ako. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga babae. Ano ba 'to?
Ang teacher namin, isang babaeng middle-aged na may mabait na ngiti, ay masaya kaming binati.
“Ah, ikaw pala si Zacheus,” sabi nito. “Welcome sa klase ko. Maupo kayo.”
Humanap kami ni Kim ng dalawang upuan sa likod. Habang nakaupo kami, napansin ko ang mga tingin ng mga babae sa akin. Nahihiya ako. Ano ba'ng gagawin ko?
Lumingon sa akin si Kim at bumulong, “Huwag mo silang pansinin. Curious lang sila.”
Ngumiti lang ako. Sana nga. Pero feeling ko talaga pinag-uusapan nila ako.
Alam kong sinusubukan lang akong palakasin ni Kim, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.
Nagsimula na ang lesson, at sinubukan kong makinig, pero ang isip ko ay kung saan-saan na nakarating. Naiisip ko si Kim, kung gaano ito kabait sa akin. Buti na lang nandito siya. Nagpapasalamat ako na nandiyan siya para tulungan ako.
Nang matapos ang klase, lumingon sa akin si Kim at sinabi, “So, ano sa tingin mo? Hindi naman pala masama, ‘di ba?”
Nagkibit-balikat ako. “Iba… pero sa tingin ko masasanay din ako.” Sana nga.
Ngumiti si Kim. “Sigurado ako. At kung may kailangan ka, magtanong ka lang.”
Tumango ako. “Salamat, Ms. Kim,” sabi ko.
“Kim na lang,” sabi nito sabay kindat. Ang cute niya.
Ngumiti ako. Sana nga maging okay ako dito. Sana lang maging magkaibigan kami ni Kim.