LEO POV Lumapit sa akin si Levi at sinampal niya ako ng malakas sa aking pisngi dahila para mahimasmasan ako. "Sorry pero aalis na ako!" Bubuksan pa lang niya ang pinto ng magsalita ako ulit. "Samahan mo akong mag withdraw mamaya malapit sa office. Ibibigay ko sayo ang 20 thousand, siguro naman sapat na yan para sa ilang araw mong gagastusin diba?" sambit ko sa kanya. "Well, wala naman akong ibang choice eh. Basta siguraduhin lang natin na hindi tayo makikita ni Ate Steffy na magkasama. Mainit pa tayong dalawa sa mata niya!" "Alam ko ang tungkol sa bagay na yan Levi. Hindi mo na ako kailangang turuan pa. Pero bago ang lahat, kumain ka na ba?" Nang tanungin ko ito, kumalam bigla ang sikmura ni Levi at sapat na ito para malaman kong nagugutom siya. Pinilit kong itago ang tawa ko ka

