STEFFY POV Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko kaya lumapit pa ako ng maigi. Gusto ko sanang komprontahin si Leo dahil kasama na naman niya si Levi at kitang kita ko na masaya silang dalawa. Halos madurog ang puso ko. Ang buong akala ko pa naman ay nagbago na siya pero mali ako! Sobrang sakit pala sa dibdib kapag dalawang beses kang niloko ng lalaking mahal mo. I thought he already learned his lesson. This time, mas gugustuhin ko pang maging single kaysa pakasalan ang manlolokong lalaki na tulad niya. I still wanted to be a professional kaya pumasok pa rin ako sa office kahit pa nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pagpasok ko sa office ni Sir Mateo, nadatnan ko siyang nakikipag usap kay Carla na plastic kong friend sa office. Hindi ko siya pinansin kasi wala ako sa mood and dinedm

