STEFFY POV
"Please, wag mo itong gawin Steffy, ako na lang ang saktan mo, pero wag si Levi!" pagmamakaawa ni Leo sa akin.
"Bitawan mo akong gago ka!"
Isang salita ko lang, sinunod na ako kaagad ng boyfriend ko. Lumuhod sa harapan ko si Leo, nagmamakaawa na patawarin ko siya.
"Please babe, patawarin mo ako, handa akong magbago wag mo lang akong iwan. Inaamin ko lahat ng kasalanan ko sayo, sana ay bigyan mo ako ng second chance."
Dumating si Levi bigla sa likod, napatingin ako kay Leo at binitawan ang mga salitang dapat niyang marinig.
"Break na tayong dalawa. I won't give you another chance Leo, One is enough, and too is too much!"
Tumalikod ako sa kanila at hinawakan ang door knob. Bagamat masakit sa akin ang mga salitang binitawan ko, ginawa ko lang naman kung ano ang tama. Pagbukas ko ng pinto, naramdaman ko ang mainit na yakap ni Leo sa likod ko.
"Wag kang umalis please. Di kita kayang mawala sa buhay ko Steffy. Mahal na mahal kita!"
"Kung mahal mo ako, bakit ka nakipag s*x sa iba? Matatanggap ko pa siguro kung sa iba ka nakipag s*x! Sorry pero tapos na tayong dalawa, Leo!"
Lumabas na ako sa apartment niya pero pakiramdam ko ang puso ko ay naiwan. Pagpasok ko sa sasakyan ko, dito na ako humagulgol ng iyak. Dito ko naramdaman ang sakit. Sa tindi pa ng galit na nararamdaman ko, hinampas ko ng hinampas ang manubela ng kotse ko.
Sa kagustuhan kong makalimot, nagdesisyon akong magpunta ng bar mag-isa. Ayaw kong umuwi ng bahay dahil natitiyak kong uuwi si Levi sa bahay at manghihingi sa akin ng sorry sa akin. Graduating student pa naman siya at ako ang nagpapaaral sa kanya dahil si tita na nanay niya, masyado na itong matanda para makapag trabaho.
Ako mismo ang kumupkop sa kanya dahil matagal na siyang walang tatay, iniwan siya nito noong bata pa siya.
Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nakapasok ng bar. At iyo yung time na nagkakilala kaming dalawa ni Leo. Pagpunta ko sa bar sa Makati, hapon na rin kaya medyo maraming tao. Naupo ako sa isang sulok, sobrang badtrip sa nangyari kanina.
"Hello po Ma'am, ano po ang order nila?"
Lumingon ako at nakita ko ang isang waiter na nakangiti sa akin. Nilapag niya ang menu sa table ko. Kung tutuusin mamaya pa sana ako mago-order pero mukhang mapapatagay ako ng maaga.
"Meron ba kayong hard drink dito? Yung kaya kong makalimot sa problema ko?" tanong ko.
"Meron po kami, pang ilang tao po ba ito?"
"May nakikita ka bang kasama ko?" pagsusungit ko sa kanya, alam kong mali ang ginawa kong pamimilosop subalit maikli na lang talaga ang pasensya ko.
"Sige po, baka gusto niyo pong magdagdag ng pulutan?"
"Ikaw na ang bahala," sagot ko sa kanya dahil gusto kong mapag-isa.
Biglang nag ring ang cellphone ko. I took it out of my pocket at bumungad sa akin ang maraming text messages at missed calls sa numbers nila Levi at Leo. But it really does not matter to me anymore. What I see is enough para itapon ko ang tatlong taon.
Sa kabilang banda, nakakapang hinayang ang pinagsamahan namin ni Leo pero kailangan ko na siyang pakawalan. Pagkalapag na pagkalapag ko ng phone sa table ko, mayroong nagsalita sa likuran ko.
"Hello miss, pwede magtanong kung anong oras na?" medyo may malalim na boses at magalang naman ang pag tanong niya sa akin.
May ilaw pa ang cellphone ko kaya sumagot ako ng walang lingon lingon.
"5:30 pm!"
"Ah okay thank you, would you mind if maki table ako kahit na saglit lang?" sambit ng lalaki.
Napatingin ako sa paligid, marami pa namang mga bakanteng table.
"Hindi po pwede eh, I want to be alone," pagsusungit ko sa kanya.
In spite of what I say, bigla siyang umupo sa tabi ko. Sisigawan ko na sana siya pero nakita ko ang kanyang mukha. Hawig na hawig siya ni Wendell Ramos, sobrang puti niya. Macho ang katawan at batak na batak ang kanyang muscles. Kulay asul ang mga mata niya at nang ngumiti siya, lumabas ang kanyang dalawang dimples.
I admit, kahinaan ko talaga kapag may dimples ang isang lalaki. Tapos yung mga tingin niya pa, para akong matutunaw kahit na feeling ko ay nasa 40's na siya at sobrang galang niyang tingnan sa kanyang coat.
"Pasensya ka na miss, mabilis lang ito pero baka pwede ka munang magpanggap na client ko? Saglit lang naman ito, kailangan ko lang ng prueba na dumating ang client ko dahil magagalit ang boss ko. Supposedly kasi dapat ay darating ang client ko pero hindi siya sumipot. Tapos na lowbat pa ang cp ko."
Client meeting sa bar? Okay lang ba siya? Bakit dito sila magkikita eh ang ingay ingay sa bar. Bigla siyang napangisi ulit sa akin. s**t! I don't like it, kasi feeling ko mahuhulog ang panty ko sa kanya.
"Sorry, hindi naman kami dapat magkikita rito pero stress lang talaga ako at kanina pa ako naghahanap ng pwede kong kausapin until I saw you alone. Sorry ulit kung naistorbo kita."
Dumating naman ang waiter dala ang dalawang bote ng hard drinks at mayroon pang pulutan na sisig. Napatingin ang lalaki sa alak at kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Well, hindi lang naman ikaw ang stress," sagot ko, "pero sige pagbibigyan ko ang gusto mong mangyari. Ano nga pala ang ino-offer mong product?"
"Maraming salamat miss," sagot niya sa akin. Gustong gusto ko talaga ang ngiti niya, for some reason, gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang may healing powers siya at di ko na kailangan ng alak para makalimot.
Nilapag niya ang kanyang brief case na dala at habang may kinukuha siya ay nagsasalita ito.
"Actually nagtatrabaho ako sa insurance company at nag ooffer ako ng health care plans. You don't need to get one, I just need to prove na mayroon akong client today."
"Ang friendly niyo naman pong magsalita," sambit ko, "pero bago po tayo magsimula, pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ninyo?"