LEO POV "Well... let us say na si Ate Steffy lang naman ang alam kong magiging dahilan ng kalungkutan mo. Besides, nakatambay ako sa parking lot kanina, nagyoyosi nang makita kitang sumakay sa kotse mo. Nag alala ako kasi nakita kitang may pasa sa mukha kaya sinundan kita rito," mahabang paliwanag sa akin ni Levi. "And what if tungkol ito kay Steffy? Alam mo bang akala pa rin niya ay tayo pa rin hanggang ngayon? Naiinis ako kasi akala ko magiging kaming dalawa ulit. Now, parang gusto ko nang sumuko at tanggapin na hindi talaga kaming dalawa ang para sa isa't isa." "Kaya kong mag punta kay ate Steffy at ipaliwanag ang lahat kung kinakailangan. Assuming na nakita niya tayong ulit na magkasama. Sasabihin ko lang na wala nang namamagitan sa atin at binigyan mo ako ng pera." I let out a fr

