Chapter 73 Humingi ako ng kahit limang minutong break lang muna. Gusto kong mag-enasayo. Bilisang pagsasaulo sa aking mga linya. Sinubukan kong mag-ensayo. Nagkulong ako sa CR. Pilit kong mine-morize ang aking linya habag umiiyak dahil sa pressure. ngunit ganoon pa rin ang nangyari nang nagharap kami ni Kai. Nasabi ko ang aking linya ngunit walang kalatoy-latoy ang acting at alam ko iyon. Walang buhay. Para lang akong nagbasa ng script na may konting feelings. “Cut!” sigaw ni Direk na halatang inis na inis na rin. Alam siguro ni Direk na tatalak na naman si Kai kaya mabilis siyang lumait sa amin. Halatang iniwasan na ni Direk na mangyari yung kagaya kaninang minaliit ako nang husto si Kai. Hindi naman din ako bato. Iniiyak ko na kanina sa CR ang lahat ng kahihiyang tinanggap ko kay Ka

