CHAPTER 106 Nang sumigaw ko, itinabi ni Tatang ang sasakyan. “Bakit? Anong nangyari?” tanong niya sa akin sabay tingin sa side mirror. Hindi na namin sinagot pa si Tatang dahil alam kong nakita na rin niya sa side mirror ang nangyari. Mabilis kaming lumabas ni Alex at sumunod din si Nanang para saklolohan si Zeke. Nang nakita na ni Tatang at mga kapatid ko sa nangyari sa sasakyan ni Zeke agad nang bumaba ang lahat. Oo nga't may galit ako sa kaniya ngunit hindi ko rin naman hinangad na may mangyari sa kanyang masama. Hindi ko rin kakayanin na mamatay siya. Ang kabang naramdaman ko kanina ay naging isang matinding takot at ang takot ay pinasidhi ng pangamba at matinding awa at pag-aalala. Tumulo ang aking luha kasabay ng panginginig ng buo kong katawan. Ngunit nang tumatakbo na ako palap

