CHAPTER 97 Nanginginig ako sa nerbiyos. Halo-halo ang aking nararamdaman. Nanlalambot ang aking mga tuhod at naghihina ako. Tuluyan kong nabitiwan ang hawak kong cellphone. Hindi ko kontrolado ang lahat. Hindi ko sila kayang pigilan. Hindi ko kayang magpaliwanag sa lahat sapagkat. Alam kong pinagpipistahan na ito ng lahat ng mga tao na may data at access sa internet. Hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang aking mukha sa mga tao. Hanggang sa tuluyan na akong yumuko at dahan-dahang umagos ang aking mga luha. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Kung may mahika lang akong bigla na lang sanang maglaho. Nahihiya ako sa lahat ng mga naroon. Nais kong takasan ang lahat. Kung sana may kakayanan lang akong burahin ang video ko sa kanilang mga cellphone. Kung may kakayahan lang ako

