Venice's POV The next day: Happy Valentines~! Hindi ko alam kung anong multo ang sumanib sa'kin, sobrang aga kong nagising nung umaga. Kaya halos dalawang oras pa bago kami lumarga papunta sa shooting nung show, all set na ko. Dahan-dahan pa nga yung pag-plantsa ko ng buhok ko dahil alam kong maaga pa.. Nagpalit ako ng outfit nang ilang beses. Completely flawless ang pagkaka-apply ng medyo subtle na make-up.. *sigh* Hanggang sa naubusan na ko ng gagawin at ang haba pa rin ng oras.. -__- Nakaupo na lang ako sa living room, nakatunganga sa TV na hindi naman bukas. Hindi ako sanay nang hindi ako nagmamadali. Lagi akong late kaya lagi akong nagmamadali. Kahit anong gawin ko, late pa rin ako. Sa klase, late. Sa pagpasa ng projects, late pa rin. Sa mga lakwatsa, na-lalate pa rin. Kakaiba p

