Venice's POV Nagising ako kinabukasan nang halos mamilipit na ko sa gutom. Dahil sa mga drama kagabi, hindi nga pala ako nakakain ng hapunan. No wonder nag-wewelga na ang mga alaga ko sa tyan. -____- I rolled out of bed and halos gumapang papunta sa pinto ko. Then I stopped. Dahan-dahan kong binuksan ung pinto.... Pasimpleng tingin-tingin sa labas.. Tahimik... Tulog pa kaya si Jerwin? Napatingin ako dun sa relo sa likod ko. 11:30 na. May trabaho ba sya ngayon? Di ba Birthday niya? I tiptoed to his room and pressed my ear dun sa pinto. Walang nahilik. I opened it slowly, and peered inside. Walang tao. Wala talaga sya. San nanaman kaya pumunta yun?? I went downstairs para tignan kung baka sakaling nakahilata sya dun sa living room or sa patio sa labas. Kung anumang trip nya sa buhay.

