PABILING-biling si Archer mula sa pagkakahiga niya sa kama. Kanina pa niya gustong matulog pero hindi siya dalawin ng antok. Ginugulo kasi ng isang babae ang kanyang isipan. Partukular sa natanggap niyang mensahe mula rito. Nang ayaw dalawin ng antok si Archer ay napagdesisyonan na lang niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Isinandal niya ang likod sa headrest ng kanyang kama saka niya kinuha ang cellphone na nakapatong sa kanyang bedside table. Ilang segundo din niyang tinitigan iyon hanggang sa binuksan niya iyon at tiningnan ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Amber upang basahin ulit. Napapikit siya kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso niya ng mabasa ang natanggap na mensahe galing sa dalaga. Tatlong salita lang ang laman ng mensahe pero ang tindi ng impact no’n para kay Archer. Lalong-

