SHEN “Wilzan, sabihin mo ang totoo. Sabihin mo na sinaktan talaga ako ng babaeng ‘yan.” sabi pa ni Jessa. “Is that true, Mr. Dela Vega? Sinaktan ba ni Shen si Jessa?” tanong ni daddy kay Wilzan. “Ang totoo po ay—” “Wilzan, tell them. Sabihin mo ang totoong ginawa niya sa akin.” umiiyak pa na sabi ni Jessa. “Si Jessa po ay nadulas. Ang totoo po ay sinaktan niya si Shen. Sinabunutan niya ito kanina–” “Liar!” sigaw ni Jessa kay Wilzan. “Jessa, stop it!” saway sa kanya ni daddy. “Pero, daddy–” “Tama na, dadalhin ka namin sa hospital.” sabi ni daddy. “Bye, sister pagaling ka. Sorry ha, hindi ka invited sa wedding ko. Sorry dahil ako ang magiging Mrs. Dela Vega,” natatawa sabi ko sa kanya kaya masama ang tingin na binigay sa akin ng stepmom ko. “Ikaw na ang bahala sa anak natin,” sabi

