SHEN Dahil sa nangyari ay hindi na kami lumabas ni Wilzan sa room namin. Hindi ko alam kung dinala ba nila si Jessa sa ospital. Hindi rin naman ako nagsisisi dahil sinagad niya ang pasensya ko. Kung hindi niya ako ginalit ay hindi rin naman ako naiinis sa kanya, hindi ko sana siya nasaktan. Hindi ko alam pero naging manhid na lang din ako bigla. Lalo na kung paulit-ulit na pinapamukha sa akin ng daddy ko na hindi niya ako mahal. Nagpasya na lang kaming manood ng movie ni Wilzan. Malaki naman ang tv dito sa room ko. Nakasandal ako sa dibdib niya. Hawak niya ang kamay ko, pinagsiklop niya ito. Paminsan-minsan ay nararamdaman ko na inaamoy-amoy niya ang buhok ko. Ako naman ay sinusukat sukat ko ang haba ng mga daliri niya dahil wala naman akong ibang ginagawa. “Hubby, sa tingin mo masama

