SHEN “Pangit ka kaya,” sabi niya sa akin. “Mas pangit ka. Mas gwapo si William kaysa sa ‘yo.” sabi ko sa kanya kaya lalo siyang nairita sa akin. “William na naman. Wala ka na bang ibang kilala na lalaki kundi ang kakambal k–” “Oo siya lang talaga. Magpapatulong nga ako sa kaibigan ko para mapalapit ako kay Wi—” “Shut up!” sabi niya sabay takip sa bibig ko kaya malakas kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. “Ano ba?!” sigaw ko sa kanya dahil nabigla ako sa ginawa niya. “Ang ingay mo kasi,” naiinis na sabi niya sa akin. “Ayaw mo lang yata na marinig na mas gwapo kaysa sa ‘yo si William kaysa sa ‘yo–” “Kung wala kang sasabihin na maganda ay lumabas ka na lang. Naririndi na ako sa boses mo. Fvck!” sabi niya pero siya naman itong bigla na lang lumabas. Ako naman itong nakatulala na

