SHEN “Ano–” “Hey, are you okay?” Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin ako kay Wilzan. Nakakunot ang noo niya sa akin na para bang nagtataka siya. Kaagad naman akong tumingin sa paligid at lalo na sa sarili ko. Mas lalo lang akong naguluhan sa itsura ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Nasaan ka nga ba?” tanong rin niya sa akin dahil nagsungit na naman. “Bakit ako nandito, baby?” tanong ko sa kanya. “Baby?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Mabilis ko naman na pinakiramdaman ang sarili ko. Wala naman masakit sa akin. Wala akong kahit na anong nararamdaman pero bakit ako nandito sa ospital. Bakit? Sh*t! Nakakahiya ako, tinawag ko pa siyang baby. “Anong ginagawa natin dito? Bakit ako nandito, Sir?” tanong ko sa kanya dahil ngayon naging malinaw sa akin na panaginip

