Napapanganga na lang si Nestor habang pinagmamasdan si Ranne sa paghihiwa. Maliban sa mabilis ito at mukhang sanay na sanay ang dalaga at alam na alam ang ginagawa. "Talaga bang sa Tesda ka lang nag-aral?" nagugulumihan at may pagdududang tanong ni Nestor sa kay Ranne, habang ang mga mata nito ay titig na titig sa kamay ng dalaga habang naghihiwa. "Para kang isang Chef kung maka-asta." Ngumiti lang nang matipid si Ranne sa kanya, at ipinapatuloy ang paghihiwa. Nais niya mang ikwento na isa siya sa mga mapalad na nakapag OJT sa kitchen ng Leisure Hotel at naging trainee ni Chef Angelo at Chef Gwenneth. Ang dalawang pinakatagyag na Chef sa buong bansa, na hindi maramot magbahagi ng kanilang nalalaman. Bigla niyang naalala ang mga bilin ng kanyang ama sa kanya. Hindi daw pihikan si Sir O

