Halos hindi makapaniwala si Octavo sa bilis ng pangyayari. Pumutok at namaga ng kanyang labi sa lakas ng hampas ni Ranne. Nakita niyang namumutla ang dalaga. Nais niyang itong pakalmahin at sabihin dito na hindi siya galit subalit hindi niya ginawa. Siguro dahil gusto niyang samantalahin ang pangyayari para mapaamo ang maila na dalaga. "Pambihira! Ang bigat ng kamay!" dinig ni Ranne na wika ni Octavo. "Nestor, maghanap ka ng mabilhan ng ice or ice tube diyan. Hindi pwedeng makita ako ni Mama sa ganitong kalagayan!" Halos abot-abot ang kaba ni Ranne. Lalo na ito ang unang pagkakataon na nakita niyang subrang galit si Octavo. Ang dating maamong mukha ay naging tila'y leon. "Ate, nalakasan mo yata ang paghampas. Namaga ang labi ni Sir Octavo," sabi ni Alice sa kanya. Nang mapansin ng da

