14. Farewell

988 Words
Years have passed. Hindi ko namalayan na patuloy pala ang pagtakbo ng oras. El already got married and started his own family. Dahil walang pagbabago sa katawan ko ay nawala sa isip ko na tumatanda rin pala sila. And ofcourse, pati na rin ang unang mga Portugal na nakilala ko. "Principal Helena." Pagtawag sa akin ni Crimson. Napunta ang tingin ko sa lalaking tumawag sa akin. May pagkatanda na rin ito at sigurado akong hindi rin tatagal ay magreretiro na siya. Hindi pa siya nagsasalita ay alam ko na ang gusto niyang iparating. "Its fine. Pupunta na'ko." Nakangiting sagot ko. Maaga akong umalis sa Lunar Academy. Nanatili akong tahimik at walang imik sa loob ng kalesa. Tila hindi ko alam ang mararamdaman ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa tapat ng isang ospital. Casual akong naglakad sa loob. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga nurse dahil sa itsura ko. A little girl with a blonde hair is casually walking alone in a hospital. Natigilan ako sa paglalakad nang may mamukhaan akong mga tao sa harap ng isang hospital room. Pare-parehong napunta ang tingin sa akin ni Evan at ni El, kasama ang asawa nito. "H-Helena." Pilit na ngiti akong binati ni Evan. "She wants to see you." Dadag niya. Tanging pagtango ang sinagot niya at tahimik akong pumasok sa silid. Bumungad sa akin ang isang babaeng bumaba ang timbang. Nakatingin ito sa bintana kung saan walang tigil ang pag-ulan. "Looks like even a phoenix also gets sick huh." Panimula ko. Mabilis na napatingin sa akin si Scarlet at sinalubong ako nito ng ngiti. "Wah!! Helena!" Masiglang bati niya. Pilit akong ngumiti sa reaksyon nito. Kahit bakas sa mukha nito ang paghihina ay hindi pa rin nawawala ang pagkasigla niya. Kumuha ako ng tasa at agad na nagtimpla ng tsaa. "I thought you don't like teas?" Natatawang sambit sa akin ni Scarlet. Napangiti ako sa sinabi niya bago abutan siya ng tsaa. "Nasanay nako sa lasa. Hindi ko namalayan hinahanap-hanap ko na." Sagot ko na mas lalong kinatawa ng babaeng kaharap ko. Naging tahimik kaming pareho. Tanging ang ulan na lamang ang naririnig na ingay sa loob ng silid. "Hey, Helena." Pagbasag ni Scarlet sa katahimikan. "Have you ever been fall inlove?" Natigilan ako sa sinabi niya. Biglaan na lamang ang naging topic niya. Pilit akong tumawa. "Falling inlove is just a waste of time. Wala akong mapapala riyan." Sagot ko. Tumawa si Scarlet sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang ulan. "Falling inlove is not that bad." Sagot niya. Muling nagkaroon ng sandaling katahimikan. Kasabay nito ay ang pagsikip ng dibdib ko. Tanging ang tunog lamang ng pagbagsak ng ulan ay ang nagsisilbing tunog sa loob ng silid. "I won't make it." Napahawak ako ng mahigpit sa pambaba ko. Mabilis kong pinigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Desidido akong humarap sa babaeng kausap ko. "I-I can do it! W-Wait for me! Pupunta ako sa hinaharap! Hahanap ako ng lunas sa sakit mo!" Puno ng pag-asang sambit ko. Nakangiting humarap sa akin si Scarlet at umiling. Natigilan ako sa reaksyon niya. "You don't have to, Helena. May consequences kapag masyado mong pinakealaman ang oras." Nakangiting sagot niya sakin. Muli siyang humarap sa bintana. "Wala nakong hihilingin pa sa naging buhay ko." "Naging masaya ang mga taon ko sa Guild. Tinrato nila ko bilang isang myembro ng pamilya." "Nagkaroon ako ng anak at masaya na siyang may pamilya ngayon." "And ofcourse, I've met Evan. Alam kong kakayanin niya kapag nawala nako. Malakas na tao si Evan." Nanatiling nakatingin si Scarlet sa bintana at nakakurba ang labi sa isang ngiti. Ngunit nabigla ako nang mawala ang ngiti niya at nagsituluan ang mga luha sa mata niya. "B-But there is one thing that makes me want to stay." Naiiyak itong humarap sa akin. Mas lalong kumirot ang puso ko nang makita ang itsura niya. "I-If I leave. W-Who will stay by your side, Helena?" Patuloy na nagsituluan ang mga luha ni Scarlet. "W-Who will bring you teas?" "S-Sino ang patuloy na mangungulit sa'yo?" "K-Kapag nawala ako Helena, sino ang magiging kasama mo?" Sunod-sunod ang mga tanong ni Scarlet at wala itong tigil sa pag-iyak. "H-Hindi ko alam kung may nagawa ba ako para sa'yo." Muli niyang sambit. "Puro sakit lang sa ulo ang naidulot ko sa'yo." "G-Gusto kong maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Na ako ang pamilya mo Helena. K-Kapag nawala ako, paano ka? H-How can I be able to leave you?" Kasabay ng pag-iyak ni Helena ay ang walang tigil na pagkirot ng puso ko. Parang patuloy itong tinutusok ng mga karayom. Agad ko siyang niyakap at ang luhang pinipigilan ko ay nagsituluan na rin. "Y-You don't have to worry about me." Pilit na ngiting sambit ko. "Sobra-sobra ang binigay mo sa akin Scarlet. Sobra pa sa pamilyang hiniling ko." Patuloy sa pag-iyak si Scarlet habang nanatili akong nakayakap sa kaniya. Tila naalala ko ang mga pinagsamahan naming dalawa. Ang unang beses ko siyang nakilala. Ang araw na nalaman kong papakasalan niya ang taong mahal ko. Kahit masakit, sobra-sobra naman ang kasiyahan na ibinigay sa akin ni Scarlet. Siya ang muling nagbigay ng rason kung bakit ko kailangang mabuhay pa. Isa siya sa mga rason kung bakit pa ako nandito. Kahit nabura na ang mga alaala ng mga tao sa akin ay siya ang unang taong nagkaroon ng alaala sa akin. Hindi ko maisusukat kung gaano ako kasaya na makilala siya at dumating siya sa buhay ko. Dahil sa kaniya ay nakilala ko ulit si Evan. Napunta ako sa isang Guild. At naging isa akong principal sa isang academy. She gave me home and a family. I'm glad that I met her. She's a proof that I exist. "Thank you for everything. I will treasure our memories forever." "I'm glad it was you, the one he married." Kinabukasan ay natanggap ko ang balita. Scarlet passed away. Yesterday was our farewell. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD