16. New Generation

1119 Words
67 YEARS LATER Casual akong nakaupo habang nakatingin sa bintana at umiinom ng tsaa. Parang antagal na nung huling naging mapayapa ang araw- "P-Principal Helena!" Rinig kong sambit ng isang babae sa labas ng silid. Napasinghap na lamang ako bago ubusin ang tsaa. Kakabanggit ko lang ng mapayapa ay binawi na kaagad. "Tuloy." Walang ganang sambit ko. Bumukas ang pinto at bumugad sa akin ang bagong sekritarya ko. Si Cora, a descendant of Crimson. "M-May b-bi-bisita po kayo." Uutal nitong sambit. Nasanay na'ko sa paraan ng pananalita niya. Wala atang pangungusap ang hindi siya nabubulol. Sumulpot sa likod niya ang isang lalaki. Agad ko itong nakilala. "Cael, napadalaw ka." Sambit ko. Pumasok ang isang lalaking naka polo. Cael, who's also a Portugal. Ngunit sa pangalan nga lang, katulad ko. Nakangiti siyang pumasok sa silid. "Uhm, I would like to have a favor, Principal." Nahihiyang sambit nito sa akin. Nakakamot siya sa ulo niya at nahihiyang tumingin. Napasinghap ako sa inakto niya.Hindi na ito bago sa akin. Lagi akong nandito para sa mga Portugal. "Name it." Sagot ko. Muling kumurba sa isang ngiti ang labi ni Cael at nagawa na niya kong tignan. "May kailangan kasi kaming puntahan ni Ethan bukas kasama si Prisma, so I'm wondering..." "Would you please look after Nocturne Academy for a while? Please! Isang araw lang!" Paghihingi sa akin ng pabor ni Cael. Napabuntong hininga ako at casual na tumango. "Fine, basta isang araw lang." Parang kumikislap ang mga mata ni Cael sa saya nang pumayag ako. Hindi pa niya nagagawang makapagsalita ulit nang may batang babaeng tumatakbong pumasok sa silid. Kaagaw-agaw pansin ang pula niyang buhok. "Helena! Helena! Give me a mission!" Masiglang sambit sa akin ng bata. Napaismid ako sa sinabi niya at walang gana siyang tinignan. "Anong ginagawa mo rito, Xilah?" Tanong ko. Nahihiyang tumingin sa akin si Cael. "P-Pasensya ka na. Nagpupumilit kasi siyang sumama nang nalaman niyang pupuntahan kita." Malalim akong napasinghap. Pamangkin ni Cael si Xilah, isa sa mga sakit sa ulong batang Portugal. "Hey! Helena sabi! Bigyan mo ako ng mission!" Pag-uulit ni Xilah. Mabilis siyang nilapitan ni Cael at pinakalma. "X-Xilah, show some respect." Nahihiyang sambit ng lalaking kasama niya. "Tsk. You're too young brat." Wala kong ganang sambit bago tumayo. Kumunot ang noo ni Xilah sa sinabi ko. "But I'm already 5! I can already take missions!" Pagmamatigas niya. Napasinghap ako bago tuluyang lumapit sa pinto. "Yeah, yeah. Tell Ethan and Prisma that I will take care of their Academy." Pag-iiba ko. "Thank you Principal Helena!" Sagot sa akin ni Cael. Naiwang nakasimangot si Xilah nang hindi ko ito pinansin. Akmang palabas nako ng pinto ay tila natigilan ako. Huminto ang oras. Tinapunan ko ng tingin ang batang gumawa nun. Her eyes changed. The ability to counter, stone eyes. "See? Kaya ko ng gumawa ng mission!" Pagmamalaki nito sa akin. Kapwa niya ay naramdaman ko na rin ang pagbabago ng mga mata ko. Time started moving again, but the little girl infront of me started tracing her movements from before. Binalik ko ang oras niya. Paiyak na to na hindi alam kung bakit mag-isang gumagalaw ang katawan niya. "Like what I've said Xilah, you're too young. Come back if you can already fully counter my gift." Nagpatuloy ako sa paglabas sa silid. Nang makadaan ako sa pinto ay muling bumalik sa dati ang mga mata ko at natigil sa paggalaw si Xilah. Nanatili akong kalmado matapos ang nangyari, pero hindi ko maitatago ang nararamdaman ko. At the age of 5, Xilah had already awakened her gift. Siya ang pinaka batang Portugal na nakilala kong nagamit ang gift niya sa murang edad. And the fact that she had just awaken it but she can already counter my gift makes her terrifying. Kinabukasan ay pumunta ako sa Nocturne Academy gaya nang napag-usapan namin ni Cael. Hindi hamak na mas payapa ito kaysa sa paaralan ko. "Hi! Welcome to Nocturne Academy! How can I help you little girl?" Bungad sa akin ng isang babae. A woman with a brown hair and brown eyes. She's wearing a white sundress and black blazer. "I'm Helena. Principal Helena." Walang ganang sambit ko sa babae. Tila natigilan siya sa sinabi ko at unti-unting nag-init ang pisngi niya sa pagkahiya. "W-What- I mean, I'm sorry. Welcome to Nocturne Academy! Principal Helena!" Masiglang pag-iiba ng babaeng. Nabigla ako nang inilahad niya sa akin ang kamay niya na para bang hindi siya nahihiya kani-kanina lang. "Nice to meet you, I'm Cresza, a teacher here in Nocturne Academy. Para makabawi ako sa'yo, ako na lang ang magpapasyal sa'yo sa Academy." Nakangiting sambit niya. Dahan-dahan kong inabot ang kamay nito. Hindi ko pa nagagawang magsalita ay masigla na niya kong hinila at inilibot sa school. This girl kinda reminds me of Scarlet, sobrang energetic nilang dalawa. Buong araw niya kong inilibot sa Academy. Kapwa kaming naglalakad ng babaeng kasama ko nang parehong naagaw ang pansin namin ng dalawang estudyante. It looks like they're about to fight. Mabilis na sumingit si Cresza. "Hey students! Saang guild kayo? Bawal yan!" Pagpigil niya. Hindi siya pinakinggan ng dalawang estudyante. Bagkus ay parehong nagbago ang mga mata nila. I was about to use my gift to stop them. Pero agad akong natigilan nang maunahan ako ni Cresza. Her eyes changed. The same as mine. Parehong natigilan ang dalawang estudyante nang kapwang nawala ang mga gifts nila. Kapwa silang napatingin sa guro na kasama ko. "I told you. That is not allowed. Kakausapin ko ang mga guild's masters ninyo mamaya." Ma-awtoridad na sambit ni Cresza. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Ito ang unang beses na may nakilala akong katulad ko na tagapagmana ni Cronus. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. "Uhm, Cresza, right?" Biglaang sambit ko. Natigilan sa paglalakad ang babaeng kasama ko at tinapunan ako ng tingin. "Yes, Principal?" Napaiwas ako ng tingin bago magsalita ulit. "How does it feel like? Being a heiress of Cronus?" Walang kaemo-emosyong sambit ko. Natigilan si Cresza na hindi inaasahan ang tanong ko. Pero ang mas hindi ko inasahan ay ang reaksyon niya. Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngiti. For a moment, I think I saw Scarlet smiling at me. "Its fun!" Masiglang sagot niya sa akin. Nabigla ako nang hawakan niya ang tyan niya. "And I'm sure, gamit ang gift na to, mapoprotektahan ko ang mga mahahalaga sa akin." Dagdag niya. Namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto ako. Hindi ko napansin na may umbok pala ang tyan ng babaeng kasama ko. "W-Woah. You're pregnant." Hindi makapaniwalang sambit ko. Muling kumurba ang labi ni Cresza sa isang ngiti. "Yup! And we're expecting a baby boy." Masigla niyang sagot. "We're gonna name him Zail." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD