11. Lunar Academy

1302 Words
That's when the three academies were made. Si Scarlet ang nag-isip ng mga pangalan. She took the names from a favorite book of hers. Nocturne Academy. Lunar Academy. Solar Academy. She led Solar Academy while Evan led Nocturne Academy. Ofcourse, sa akin napunta ang Lunar Academy. Nakakatawa lang isipin na walang ibig sabihin para kay Scarlet ang mga pangalan ng mga academies, pero meron sa akin. Scarlet led the Solar, which is related to the sun. While I led Lunar, which resembles the moon. It really suits us well. We are the total opposite. For me, she shines like the sun while I'm a gloomy person like the moon. Pero ang nakatawa ay ang meaning ng Nocturne, the academy that Evan leads. Its a romantic or dreamy character suggestive of night, which secretly shows my feelings for him. Tho, hindi ko na iyon iniisip pa. "Principal Helena, ano po ang mga qualifications na kailangan ng mga magiging estudyante ng Academy?" Biglaang sambit ng kasama ko. Natauhan ako at napunta ang tingin ko kay Crimson. He's one of the officials of the academy. Kabilang siya sa guild namin. Siya ang pinili ni Scarlet na maging Secretary ko. "A-Ah, kaylangan pa nun?" Walang ganang sambit ko. Napasinghap si Crimson sa akin at tumango. "Ofcourse, you're already a principal. Kailangan mong seryosohin ito Helena." Pasimple akong umismid at tumango. "Fine, pag-iisipan ko." Iniwan ko sa silid ang lalaking kasama ko habang walang gana akong napasinghap. Para saan ba yun?  Hindi ko naman ginusto maging principal. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng eskwelahan. Umalis ako sa academy at napagpasyahan kong pumunta sa guild namin. Mas nasanay akong nandito kaysa sa loob ng Principal's office. "Oh Helena! Kamusta na?" Nakangiting bugad sa akin ng mga myembro ng guild. "Mukhang mahirap magpatakbo ng paaralan ah. Hindi na kayo nakakapunta rito." Natatawang dagdag nila. Tawa ang sinagot ko sa kanila bago lumapit sa tapat ng information board. It really feels like home here. Mararanasan ko kaya ito sa academy? Tumingin ako ng mga missions sa quest board. Gusto ko munang ituon sa iba ang atensyon ko. Sa dinami-rami ng mga missions na pwedeng kunin ay napako ang tingin ko sa isa. 'Catch a group of bandits. Prize: 10,000 drennies' Hindi ang premyo ang nakakuha ng pansin ko. Bagkus ay ang impormasyon na binigay. Its a group of bandits that is consist of young gifteds.  Wala sa sarili kong kinuha ang papel. I just found myself taking the job. Mag-isa kong kinuha ang mission. Hindi ako pamilyar sa town na Resoir ang pangalan pero mag-isa akong pumunta rito. Hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Walang tigil ang pag-ulan. Hindi ko alam kung pa-paano at bakit ay bigla na lang may pumasok sa isip ko. Its a scenario. I'm in a middle of the forest and a group of people are surrounding me.  N-No. Its not a group of people. Its a group of vampires. Napahawak ako sa ulo ko. A-Ano ung nakita ko? Gawa-gawa lang ba yun ng utak ko? O mangyayari talaga iyon? Napatingin ako sa mga palad ko. Habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng kakayahan na hindi ko pala alam na kaya ko. Mas lalo ko ng nagagamit ang gift ko. Dahil sa nakita ko sa hinaharap ay napagdesisyunan kong lumayo sa gubat. Hindi pa ako ganun kalakas para harapin sila. Casual lang akong naglalakad sa gitna ng ulan. Hawak-hawak ko ang payong na pinapamigay sa bungad ng tunnel. Alerto ako sa paligid. Hindi nagtagal ay nakuha ng atensyon ko ang babaeng naglalakad sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko. Doon ko pinabagal ang oras na ako lamang ang nakakapansin. Then I saw it. A gifted took the woman's wallet without her noticing it. Sobrang bilis niyang tumakbo. Sa tingin ko ay gift niya iyon. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Hindi ko pwedeng sugurin siya ngayon dahil baka may sibilyan na madamay. Sobrang bilis niyang tumakbo, kahit pinapabagal ko na ang pagtakbo ng oras ay malabo pa rin siyang mahabol ng mga mata ko. Napaismid na lamang ako nang tumakbo ito papunta sa gubat. Kahit nag-aalinlangan ako ay sinundan ko pa rin siya. Patuloy lang ako sa paghabol nang mapansin kong may sumusunod na rin sa akin. Natigilan ako sa pagtakbo. Dahil doin ay hindi na nahabol ng tingin ko ang gifted na hinahabol ko.  Napunta ang atensyon ko sa paligid ko. Parang isang iglap lang ang nangyari at natagpuan ko na lang ang sarili kong pinapalibutan ng mga bampira. Kagaya ng nakita ko sa hinaharap. Hindi ko nga talgang maiiwasan ang mga magaganap. "What do have here, a little lady?" Natatawang sambit ng isa sa mga bampira. Matalim ko silang tinignan. "I don't have business with you. Paraanin ninyo ko." Taas noo kong sagot. Nagsitawanan sila sa sinabi ko. May isang lalaking bampira ang lumapit sa akin.  "Ikaw ang nasa teritoryo namin. Ayus-ayusin mo ang pananalita mo." Napaismid ako sa sinabi niya. Muli kong naramdaman ang pagbabago ng mga mata ko. Sabay-sabay silang nagsiatrasan. "A-A heiress of Cronus." Hindi makapaniwalang sambit ng lalaking kaharap ko. "Ayoko ng gulo. Paraanin ninyo ko." Walang kaemo-emosyong sambit ko. Bago may makasagot sa akin ay pare-parehong nakuha ang atensyon namin nang may isang bampirang biglang sumulpot. "Regon! Ang anak mo! Kinuha ng mga tulisan na gifteds!" Sambit nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaking kaharap ko. Hindi ito nag-aksaya ng oras at mabilis itong nawala sa harapan ko. Tulisan... They're the bandits that I'm after. Nabigla ang mga bampira na naiwan nang sumunod ako sa pinuno nila.  Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa nakalabas kami sa gubat. Doon bumungad sa amin ang lugar na parang skwater. Medyo nag-alinlangan ang bampirang kasama ko na tumuloy pero pumunta pa rin ito. Kagaya niya ay nagpatuloy rin ako sa pagtakbo. Hindi nagtagal ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng kabataan. Ang isa sa kanila ay may hawak-hawak na babaeng bampira. Mukhang ito ang anak ng bampira na kasama ko. "Hoy tandang may pangil! Hindi ba matagal na kayong nabubuhay? Saan ang alam niyong may gintong nakatago?" Maangas na sambit ng isa sa mga tulisan na karahap namin. Ang gifted na may hawak sa babaeng bampira ay nagbago ang mga mata. It turned blue. Hinawakan nito ang kamay ng bampira at unti-unti itong naging yelo. "Aerin!" Nag-aalalang sambit ng bampirang kasama ko. "Sagot tanda!" Muling sambit ng tulisan. Nanginginig ang bampirang kasama ko at hindi makapagsalita. "W-Wala akong alam! Bitawan niyo ang anak ko!" Napasinghap na lamang ako. Wala siyang magagawa kung gaganiyan lang siya. Mga gifteds ang kaharap niya. Wala akong kaemo-emosyong humakbang papalapit sa tulisan na kaharap namin. Napunta ang mga atensyon nila sa akin. "H-Hoy bata! Anong ginagawa mo?!" Natigilan ako sa sinabi ng isa sa kanila. Tila nag-init ang ulo ko. "Hey brat. Anong sinabi mo?" Walang ganang sambit ko. Kumunot ang noo nila. "A-Ang sabi ko, Hoy bata-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang matigilan. Tuluyan ng nagbago ang mga mata ko at tumigil ang oras. Sunod-sunod na umawang ang mga bibig nila. Kinuha na ni Aerin ang chansa na iyon at mabilis siyang pumunta sa ama niya. "P-Pa!" Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. "T-Thank you." Biglaang sambit ng lalaking bampirang kasama ko. Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya bago muling tapunan ng tingin ang grupo ng kabataan na gifteds. "Brats. From now on, you'll study at Lunar Academy. You'll join a guild and catch your fellow criminals. I'll be your principal. I don't accept refusals." Kinabukasan ay bumalik ako sa Lunar Academy kung saan bumungad sa akin si Crimson. Alam ko na ang sasabihin niya kaya mabilis ko na siyang inunahan. "I've decided. The qualifications for joining the Lunar Academy." Pangunguna ko. "First, you gotta be a criminal." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD