OBLIGADO akong magsuot ng coat and tie. Nakakabilib din naman ang dating ko. Tsk, ang guwapo ko pala kung naging lalaki ako. Initiman ko pa ang gilid ng mga mata ko. Pati kilay ko ay pinadaanan ko ng eye liner. Saka naglagay ng ilang guhit sa patilya, sa ilalim ng ilong, pati na sa ilalim ng labi. Nakatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Moon Morales. Isipin ko na lang, na isa na naman itong paligsahan. Kasali ako at dapat ko itong ipanalo. The show must go on. Kahit pa masakit na ang dibdib ko kakagamit ng body shirt girdle. Ipit hininga na naman ito! Marami na ang mga tao sa loob ng conference center. Nakapalibot ang mga silyang may cover at disenyong ribbon sa malalaking mesa na puno ng nagtatangkarang mga candle holder. Bawat pinggan ay may nakahandang puting napkin na pinatungan

