GUMAPANG siya pababa sa aking paanan. Nakita ko ang kanyang ngiti nang makita niya ang nakatali sa aking bukong-bukong. Saka niya mabilis na tiningnan ang nakatali rin sa kanyang pulso. Hinaplos niya ang aking sakong. Marahang pinadaanan ng daliri ang sugat sa aking talampakan. Na tila mapa iyon na kanyang sinusundan. Bumaba ang ulo niya. Halos hindi ko makita mula sa pagkakahiga ko. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa bubong ng aking paa. Tumataas. Tinikman ang aking balat. Napasinghap ako nang hindi sinasadya. Napapaangat pati ang balakang ko. At ang 'di ko mapigilan ay ang pagtawag ng kanyang pangalan. "J-Jasper..." Nag-angat siya ng ulo. "Don't say my name again, Moon. Baka hindi ko na mapigil and we'll go straight making it." Saka siya pilyong ngumiti. At hinawakan ang mga binti

