MAHAPDI pa rin ang sugat ko. Pero nakatulong ang mga gamot na ibinigay ni Tatay Baron. Hindi ako nagsuot ng medyas dahil ayokong makulob ang sugat. Napangiti ako sa tanging nagpapalakas ng loob ko para hindi maramdaman ang sakit. Ang rasta bracelet na nagsilbing anklet sa kaliwang paa ko. Hindi rin ako napigilan ni Jasper na pumasok ng opisina at ipagmaneho siya ngayon. "Just stay within my reach. Ayokong pakalat-kalat ka." Napangiti ako sa sinabi ni Jasper. Nandito lang naman ako malapit sa table niya. Para akong kanang kamay ng hari. "Yes boss." Masigla kong sabi. Umiling lang siya ng nakangiti at binuksan ang kanyang laptop. Wala namang kakaiba pagpasok ko ng building. Katulad pa rin naman ng dati. Parang wala pa ring nakakakilala na ako ang babaeng kasama ni Jasper sa Whirl. Kung me

