"NAIINTINDIHAN ko po, Sir Jas." Inilagay din ni Mang Roman ang saddle ng dilaw na kabayo. Maingat na sumakay ng pulang kabayo si Jasper. Ipinasok ang paa sa stirrup. Sobrang diretso ng pagkakaupo niya na tulad ng isang tunay na hinete. "Come on," aniya na sa akin nakatingin. Inilapit sa akin ni Mang Roman ang isang kabayo. Nag-atubili ako. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Uh, Mang Roman..." Nahagod ko ang buhok ko. "P-Paano ho ba?" Nahihiya kong tanong. Natawa si Mang Roman habang nahuli ko naman ang pagngiti ni Jasper. "Hindi ka ba marunong? Nakow baka mapaano ka!" Napatingin siya kay Jasper na ngayon ay pinaglalakad na ang sinasakyang kabayo. "Hindi rin ako marunong! Ang itay mo ang mahusay sa pagsakay ng kabayo. Hindi ka ba niya naturuan?" Nahihiya akong

