NAGSALUBONG ang aming mga mata. Makahulugan ang sinabi ni Evan pero ayoko munang isipin ang ibig niyang sabihin. Tinangka ko ulit humakbang para buksan ang pinto, pero... "Ako na." Boluntaryo ni Evan. Kaya siya na ang pumihit ng seradura. "Evan Green! Just tell me where he is, please!?" Napatanga ako sa tono ng boses ni Jasper. Parang... Parang nag-aalala? "San Huwes, why you suddenly became overprotective of others? This is not you, man." Nakita kong kumilos si Evan para lingunin ako at marahil, para makita ni Jasper. Pero ewan ko, bigla akong nag-atubili at pumihit para magtago sa likod ng pinto. "Just tell me where he is." Narinig kong muli si Jasper. Para namang natuwa si Evan sa ginawa ko. "Can't you see? He's not here." Parang nairita lalo si Jasper. "Magkasama kayo kanina." "

