GALIT ako! Oo galit ako sa kanya! Hindi ako katulad niyang babaero. Kahit anong mangyari, may dignidad ako sa sarili ko. "Hinding-hindi ako papatol sa babae lalo na kung lasing!" Natakpan ko ang bibig ko dahil sa lumabas na mga salita mula roon. Ano ang mga pinagsasabi ko? Talaga namang hindi ako puwedeng pumatol sa kapwa ko babae! Dahil... dahil... "Okay, Moon. I totally understand how you feel and I'm really sorry for that." Humalukipkip siya at sumandal sa pinto. "And I salute you for being so straight and controlled. Bihira ang lalaking kagaya mo." Ngumisi siya. "Guess we'll be staying here all night." Nagkibit ang mga balikat niya. Mapakla akong tumawa. Tiningnan ko siya sa salaming nasa harapan ko. "Huwag ka nang magkunwari, Jasper. Kilala na kita. Labas na. Okay lang ako rito."

