"YOU'RE Moon, right?" Nakangiting tanong niya. Maikli ang buhok na kulay blonde. Hapit sa katawan ang suot na shirt at jeans. "Y-Yes?" Pamilyar and mukha niya. Sa natatandaan ko, kasama siya sa blue team na nanalo sa team building kahapon. "I heard so much about you." Nakangiting sabi habang may dinudukot sa bulsa ng pantalon niya. "Here." Iniabot niya iyon sa akin. Isang tarheta pala at nakasulat doon ang buong pangalan at kung saang kumpanya siya. "B-Bakit mo ako binibigyan ng calling card mo?" Gusto kaya niyang mag-apply ako sa kumpanya nila? Si Evan nga tinanggihan ko, siya pa? Nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Actually, I'm just curious on how well you did it?" "Huh?" Hindi ko siya maintindihan. Isinabit niya ang nakalawit na buhok sa gilid ng kanyang tainga. "What you did with

